Chapter Thirty Two

25K 1K 457
                                    

Keoni's pov




"Goodmorning laloves! I cooked breakfast for us." Masigla kong bati ng makita ko siyang pababa ng hagdan. Nakaligo na siya at nakabihis ng pang alis.

"Are you going somewhere?" Tanong ko at inilapag yung huli kong niluto na kakakuha ko lang mula sa frying pan.

"Yeah, there's a meeting at the school today about the upcoming event. What about you? Why are you up so early?" She responds and walks towards me.

"I have work today po." Sagot ko at nginitian siya. Itinaas ko yung mug na may lamang kape na kakatimpla ko palang. "Coffee?"

Kinuha niya iyon at nginitian ako bago halikan ang labi ko. "Thank you love."

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko para pigilan ko ang pag kakilig ko.

After kasi ng pag uusap namin nung isang araw nung umamin siya na may gusto siya sa akin ay naging ganito na siya ka sweet. Minsan nga parang hindi makatotohanan dahil parang nananaginip ako pero kapag nag tataray siya at tinotoyo doon ko nalalaman na wala ako sa panigip na totoong may gusto na siya sa akin.

I can't believe she likes me. Like pa lang but I know soon it will turn into love, konting kembot na lang. I can feel it.

"Wat time will you be back? Sabay ba tayo mag lulunch?" Tanong niya sa akin at umupo sa bakanteng upuan.

"Hmm... I don't know. Mga alas kwatro yung out ko so baka before mag alas sinco ay andito na ako. And yes, sabay tayo mag lunch." Sagot ko at umupo sa tabi niya.

Kukuha na sana ako ng pag kain ng hampasin niya ang kamay ko kaya nabitawan ko yung sandok.

Luh, problema nanaman ng datu puti na areh?

Tinaasan niya ako ng kilay ng akma pa akong iimik kaya itinikom ko nalang ang bibig ko.

"Why do you have to work? Did Tito and Tita really cut your allowance? Do you need money? I can give you one of my cards." Tanong niya habang kumukuha ng pag kain at nilalagay sa plato ko.

"No need laloves, they didn't cut my allowance. Gusto ko lang talaga mag karoon ng sariling pera na pambili ng gusto ko tsaka pang date ko sayo." I respond and smile at her.

"Ohh..." Tanging turan niya at nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Hinarap niya ako at hinawakan ang kamay ko. "Is this because of what I said to you before?"

Agad naman akong umiling iling sa kaniya. "No po. Kagustuhan ko po talagang mag trabaho."

"I don't believe you. Sa tamad mong yan sasabihin mong gusto mo talagang mag trabaho?" Taas kiay nitong turan.

"Edi don't po." I respond kaya nakatikim ako ng kurot sa tagiliran.

"Aray naman. Joke lang kasi laloves. Totoo kasing gusto ko mag trabaho." I said and grin at her. Hindi padin siya mukhang kumbinsido pero hindi na siya nag salita pang muli at binaling nalang ang atensyon niya sa pag lalagay naman ng pag kain sa plato niya.

"What time is your lunch break? Susunduin kita." She said and started eating.

"Ahm..mga eleven thirty po." Sagot ko bago mag simula na din kumain.

"Hmmm...This chicken curry tastes amazing!" Komento ko pag katikim ko.

"Sariling puri." I heard Ate Didi said beside me. Napasimangot naman ako.

"Hindi naman ako nag luto niyan. Dinala lang yan ni Margaux kanina kasi hindi daw kinain ni Monique tapos favorite mo din daw yan kaya ayun binigay niya sa atin. Tsk." Naka simangot kong saad.

The Forced MarriageUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum