Chapter Twelve

24K 1K 421
                                    

Keoni's pov




Walang gana akong nag lalakad papunta sa kung saan. Ilang minuto nadin ang nakalipas ng umalis ako sa apartment ni Kuya Kiero. Dapat ay uuwi na ako dahil gusto kong mag drama pero ayaw sumang ayon ng paa ko. Imbes na sa kotse kong nakaparada sa hindi kalayuan ako dumiretso ay nilampasan ko lang ito at nag lakad lakad sa kung saan.

Napabuntong hininga ako at inilibot ang paningin sa paligid. May nakikita akong mga bahay na malalaki at ibang mga apartment, halatang mayayaman ang nakatira sa compound na ito.

Tumingala ako at tiningnan ang madilim na kalangitan. I smile when I saw the moon and stars, naalala ko gaano ka gusto ni Ate Didi ang mag star gazing dati nung mga bata pa kami. Pumupunta siya sa amin para yayain akong tumambay sa tree house nila at manood ng mga stars sa kalangitan.

Nag iintay pa kami na may dumaang shooting stars para makapag wish kami. Napabuntong hininga nalang ako at mapait na ngumiti bago iwnaksi ang alaalang iyon sa aking isipan at nag pasya ng mag lakad pabalik sa kotse ko para makauwi na ako.

Nag lalakad na ako pabaik sa kung saan naka parada ang kotse ko ng may makita akong pigura na nakatayo sa may madilim na parte sa may bandang sirang poste ng ilaw.

Napalunok ako at napatigil sa pag lakad. Nakatingin lang ako sa pigura at nag dadasal sa isip ko na sana ay wag zombie or multo ang pigura na yun. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at ready ng tumawag ng scientist or albularyo ng makita kong gumalaw ang pigura kaya nanlaki ang mata ko at tatakbo na sana papalayo dun ng may tumawag sa pangalan ko.

"Wah! Kilala ako ng pakening unidentified creature!! Hel--"

"Keoni calm down, it's me Colt!"

Napatigil ako sa pag takbo at nag tataka siyang nilingon. "Colt?"

"Yeah, it's me. What are you doing here?" Nakangiti pa nitong tanong sa akin. Lumapit naman ako sa kaniya at binatukan siya na ikinadaing niya.

"What was that for!?" Nag tataka nitong tanong habang kakamot kamot sa ulo niya.

"That's for scaring me, you moron! Akala ko zombie ka or multo." Irap kong tugon sa kaniya. Natinig ko naman ang pag tawa niya.

"Mas naisip mo pa yung zombie or multo kesa sa holdaper or kaya rapist? Oh my God." He said and shook his head at me.

"Che! Ano ba kasing ginagawa mo dun sa dilim?" Naka cross arms kong tanong sa kaniya.

"Oh.. ahm, I'm waiting for my si--"

"Luh, sa next target mong hoholdapin!? Omg ka, hindi ba't sinabi kong sabay tayong mang hoholdap. Jusko ka ha, hindi mo ako tinawagan!" Putol ko sa kaniya at pinitik ang tenga niya.

"Ouch.. ang brutal mo, but that's not what I'm doing though. Hinihintay ko lang si At--"

"Shhhhh! Ayan may tao, halika tago us dun sa madilim na part. Ikaw mang holdap taga sigaw lang ako pero wag mong kuhanin ng totoo yung pera or gamit ha. Ako na mag bibigay sa'yo ng kailangan mo, gusto ko lang maranasan mang holdap." Saad ko at hinila na siya papunta dun sa may madiim na parteng pinag tatayuan niya kanina.

Hindi na siya nakasagot at natahimik nalang.

Hinintay naming dumaan sa may harapan namin yung nag lalakad bago ako tumalon sa may harap nung tao at sumigaw.

"AAAAAAHHHHHHHHHH!" Sigaw ng boses babae kaya for sure babae ang nabiktima namin unless bakla siya diba.

Kita ko namang hinawakan ni Colt ang bag ng babae. "Holdap 'to Miss, akin na ang bag mo."

The Forced MarriageOnde histórias criam vida. Descubra agora