Chapter Fourteen

24.7K 1K 551
                                    

Keoni's pov



Nakangiti akong pumasok ng opisina ni Ate Didi dahil pinapapunta niya ako. Namiss niya ata ako kaya gusto niya akong makita bago mag uwian.

"Hello my future wifey! Namiss mo ako? Don't worry mas na miss kita." Masigla kong bati sa kaniya habang nakangiti ng malawak.

"Why would I miss you? You're not Kiero." Sagot niya na siyang ikinawala ng ngiti sa aking labi.

Sabi ko nga shot puno nalang sayo self.

"Hmm.. oo nga haha. So ahm, bakit mo nga po pala ako pinapunta dito?" Tanong ko para pag takpan ang kirot sa aking dibdib.

Bakit kasi napaka assuming ko eh, ayan tuloy mashaket.

"Your Dad called, dumiretso daw tayo sa restaurant ng Kuya Kieth mo. Mag didinner daw tayong lahat dun." Saad nito habang busy sa pag liligpit ng gamit niya.

"Oh, okay. Sabay na ba tayong pupunta dun? Kotse ko or kotse mo?"

"No hindi tayo sabay. We'll drive separately." Tugon niya na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Bakit kailangan pang mag iba ng sasakayan kung pwede namang mag sabay? Baka mag taka pa sila na hindi tayo sabay." I said and frown.

"We'll think of an excuse kung bakit hindi tayo mag kasabay. You're a great liar, think of an excuse. Kayang kaya mo na yun. Ayokong mag away nanaman kami ni Kiero kapag nakita niya tayong mag kasama." Saad nito at inilagay na sa bag niya ang lahat ng gamit na ipinapatas niya kanina.

Okay... sabi ko nga mas iisipin niya si Kuya.

Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti. "Sige po Ate Didi una na ako baka kasi traffic eh."

"Hmm..sure sure." Rinig kong sagot niya habang busy padin sa kung anong ginagawa niya. Hindi man lang niya ako tiningnan ng sumagot siya.

"Wala man lang po bang 'ingat laloves baka mapaano ka sa daan, drive safely ha.'?" Pag bibiro kong tanong at tumawa. Tumigil siya sa ginagawa niya at bahagya akong nilingon.

"Do I need to tell you that? Malaki ka na, lagi kang nag dadrive kaya I'm sure na kaya mo na ang sarili mo." Turan nito at bumalik na ulit sa ginagawa niya. Napalunok nalang ako habang nakasimangot na kakamot kamot sa aking ulo.

Sabi ko nga self love at self care nalang si Me for today and everydays bidyow.

Hindi na ako nag salita pang muli at lumabas na ng opisina niyang bagsak ang balikat. Puro sakit lang sa aking kawawang heart ang natamo ko, akala ko pa naman na miss na ako eh.

"Keoni!" Pag tawag ng mala anghel niyang boses kaya agad akong lumingon at ngumiti sa kaniya.

Sabi na nga ba at mamiss niya ako eh. Hindi niya ako matiti---

"Kapag nakita mo si Kiero pasabi nalang na may tinatapos pa ako kaya ako late." She said and slightly smile at me bago pumasok ulit sa opisina niya.

"Punyawa, akala ko pa naman nag bago na isip niya at sasabihan man lang niya ako na mag ingat. Tsk, may ipapasabi lang pala kay kupal na Kiero. Edi wow." Pag mamaktol ko habang padabog na nag lalakad papunta sa parking lot.

Tsk. Nababadtrip talaga ako kapag naririnig ko ang pangalan ni Kuya. Kapatid ko siya pero minsan ang sarap niyang ibalik sa sinapupunan ng nanay ko. Ayy teka... hindi pala minsan, lagi pala. Punyeta siya.

Sumakay ako ng sasakyan ko at basta nalang itinapon ang bag ko sa likod. Wala ako sa mood para ayusin pa ang pag lalagay nun. Wala din naman kasi yung laman kundi ballpen at isang binder na notebook. Nambuburaot lang ako ng papel kila Yves kada umaga before kami pumasok sa kaniya kaniya naming klase eh.

The Forced MarriageWhere stories live. Discover now