Chapter Thirty Nine

24.6K 1.1K 639
                                    

Keoni's pov




Namumula ang mag kabila kong pisnge habang kausap nila Mommy yung doctor ko. Pinayagan na kasi akong lumabas ng hospital ngayon kaya andito sila Mommy para pirmahan ang mga papers.

"Are you really sure okay ng lumabas ang anak ko Doc? Akala ko po ba kahapon ay nag patawag kayo ng code blue?" Nag aalalang tanong ni Mommy na mas lalo lang ikinapula ng mukha ko.

Haish Mommy, if only you knew na ibang lagutan ng hininga ang nangyari.

Napatingin naman ako kay Ate Didi na naka smirk lang sa may tabi ko. Pabiro ko siyang inirapan na ikinangisi niya lang lalo.

"Yes po. It was a false alarm po Mrs. Santiago, your daughter is okay. It's the machines fault." Nakangiting saad ng doctor.

Tumango tango naman si Mommy bago ipag patuloy ang pag pirma ng mga hospital papers ko. Nang matapos na siya ay inalalayan na ako ni Ate Didi palabas at pasakay sa kotse.

Finally no more smell of medicine! I'm free!

"What do you want to do when we get home?" Tanong ni Ate Didi nang makasakay na din siya.

Si Mommy ang mag hahatid sa amin sa bahay dahil nag aalala daw siya sa akin. Pinag bawalan niya din akong mag drive ng kotse for the mean time, ibinilin pa niya iyon kay Ate Didi kaya alam kong hindi talaga ako makakalusot.

"Hmm...let's have a date." Agad kong sagot at ngumiti sa kaniya.

"Gusto ko mang pumayag pero hindi ka pa pwedeng mag gala. The doctor said you need to rest for a few days para masigurado na ayos ka lang." Turan niya kaya napasimangot ako.

"All I did was rest and rest and rest. Nakakapagod na mag rest." I respond and pouted my lips.

"Pero kailangan padin natin sundin ang bilin ng doctor para makasigurado na ayos ka lang talaga. Tsaka nalang tayo mag date kapag pwede ka na talagang gumala, okay?" She said and smile at me.

"Pero I want to have a date with you now. Nung isang araw ko pa talaga plinano yun pero something happened kaya naudlot, ayoko mag intay ulit ng another days." Pag mamaktol ko at napasimangot nanaman.

"Love, please don't be stubborn." Ate Didi said and sighed.

Napabuntong hininga nalang ako. "Hmm...okay."

"Pwede naman kayong mag date ng hindi nalabas ng bahay. Order nalang kayo ng food sa labas." Sabat naman ni Mommy na hindi ko alam na nakikinig pala sa amin.

Yikes, ngayon nalaman na niya ang pag kapabebe ko.

"Pero Mom baka hindi na mainit yung food pag dumating sa amin."

"Hmmm...then ikaw nalang ang mag luto. Masarap ka naman mag luto eh, lutuan mo si Dionne. Mas special yun kasi with effort." Mommy said and smile at me. Napangiti naman din ako at tumingin kay Ate Didi nakatingin din sa akin.

"Okay then. Lulutuan nalang kita laloves, lahat ng paborito mo lulutuin ko." Excited kong turan.

"Wait for me, I'll help you." She said before kissing my cheeks.

Napakunot naman ang noo ko. "Aalis ka?"

"Oh shoot, I'm sorry sweetie. I forgot to tell you that I need Dionne at the office for a bit. May documents lang na kailangan siyang asikasuhin. I'm sorry." Saad ni Mommy at nginitian ako ng bahagya. "Your friends are at your house waiting for you kaya may kasama ka padin naman."

Kaya pala hindi sila sumama sa pag sundo sa akin sa hospital dahil nasa bahay na sila. Akala ko pa naman hindi na nila ako mahal. Mag dadrama na sana ako.

The Forced MarriageWhere stories live. Discover now