Chapter Two

38.5K 1.1K 241
                                    

Keoni's pov





"Ma'am Keoni pinapatawag na po kayo nila Madam at Sir sa baba. Mag aalmusal na daw po." Rinig kong pag katok nanaman ni Yaya.

I groan and tried to zone out her voice at ipinikit ang aking mata dahil gusto ko pang matulog.

Jusko sobrang sakit ng ulo ko parang mabibiyak sa lima tapos makikita yung utak kong walang laman.

Hindi ko nga alam kung paano ako naka uwi eh. Baka hinatid ako ni Monique dito or pinasundo sa driver namin para iuwi dito basta ang alam ko lang ay nalasing ako ng sobra.

Shockksss hindi na talaga ako iinom, ever. Pero syempre its a prank. Tsaka na ako titigil sa pag inom kapag may nag babawal na sa akin para masaya.

"Keoni Santiago! Kapag hindi ka pa bumangon diyan bubuhosan kita ng tubig!" Sigaw ng walang iba kundi ang nanay ko'ng mala megaphone ang bunganga.

I rolled my eyes and forced my self to stand up. Rinig ko na kasi yung footsteps ni Mommy papunta sa kwarto ko. Baka mabuhosan nga ako ng tubig delikado na.

"Keon---"

"Mommy Chill, gising na ako." Putol ko sa kaniya at lumapit sa kaniya para halikan siya sa pisnge.

"Goodmorning Mommy kong may megaphone na bungang--Aray ko Mommy ang taas ng kuko mo." Naka simangot kong daing ng kurotin niya ako sa tagiliran.

"Puro ka kalokohan, maligo kana para hindi ka malate sa klase mo." Utos nito sa akin at may pahabol pang isang kurot bago ako tuluyang iwanan sa loob ng kwarto ko.

Tsk. Bakit kasi need pa pumasok? Wala bang remote na pwedeng ipass forward yung buhay ng tao? Gusto ko nalang maging papaya.

Natapos akong mag ayos ng sarili at walang ganang bumaba para saluhan silang mag almusal kahit nakakawalang gana dahil inaantok pa ako.

"Morning Dad." Tanging bati ko kay Daddy, kung dati ay humahalik pa ako sa pisnge niya ngayon ay tanguan nalang at tipid na batian.

"I heard of what you did to Mr. Chavez's son. What were you thinking Keoni!?" He irritatedly said. Disappointment is written in his eyes, well wala na namang bago dun.

"I told you not to set me up with someone buti nga sumipot ako eh." Kibit balikat kong sagot at kumuha ng toasted bread at isang mansanas.

"Mommy una na ako, nawalan na ako ng gana kumain." Paalam ko kay Mommy at humalik sa pisnge niya.

"Come back here you br---"

"Edward stop calling your daughter a brat!" Rinig ko pang pag tatalo nilang dalawa pero nag patuloy lang ako sa pag labas ng bahay.


*~*~*~*~*~*


"Mon sige na kasi, tiktok na tayo." Pamimilit ko kay Monique na kumakain nanaman ng junk foods.

"Tinatamad akong mag sayaw kayo nalang ni Yves." Tanggi nito. Sumimangot naman ako at tiningnan si Yves na nag babasa ng libro at walang pakealam sa amin.

"Sige okay lang..sanay na naman akong mag isa." Pag iinarte ko. Napatigil naman yung dalawa sa ginagawa nila at bumuntong hininga.

"Sige na mag titiktok na." Labag sa loob na turan ni Yves kaya mahina akong napa hagikhik.

"Ano ba kasing tiktok nanaman yan? Kapag yan yung chicken chicken dance nanaman ililibing kita ng buhay." Reklamo ni Monique. Nung last kasi nag tiktok kami nung chicken dance pero naiwan siyang mag isang nag sasayaw dahil pinag kaisahan namin siya ni Yves.

The Forced MarriageWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu