Chapter Ten

26.6K 988 341
                                    

Keoni's pov




"N-Ngayon po ba talaga natin need mag u-usap? Bukas nalang po kaya, inaantok na din po kasi ako dahil naka inom ako. Hehe.." Kinakabahan kong saad na siyang ikinataas ng kilay niya.

"Really? Inaantok ka kapag nakaka inom?" She asked and cross her arms in front of me. Tumango tango naman ako bilang sagot.

"Then bakit hindi ka nalang natulog kahapon? Bakit mas pinili mong sirain ang buhay ko Keoni?" Malamig nitong turan kaya napalunok ako ng sunod sunod.

"I-I ahm... I'm sorry. Hindi ko naman ginusto ang nangyari tsaka sinubukan ko namang sabihin ang totoo ah. Kayo lang yung putol ng putol sa akin then when I had the chance to tell the truth you suddenly butt in and agreed to marry me!" Medyo irita kong pag papaliwanag sa kaniya.

"Are you saying that it's my fault?" Irita din nitong sagot sa akin. Napabuntong hininga naman ako. "No... pero medyo may kasalanan ka din."

Tinaasan niya ako ng kilay na parang sinasabi na eelaborate ko ang sinasabi ko. I rolled my eyes at her. "Kung hindi ka umagree edi sana nalaman na nila ang totoo."

"Teka... bakit nga ka nga ba kasi pumayag? Omg! Don't tell me na in love kana din sa akin Ate Didi!" Tila kinikilig ko pang turan.

"Totoo ba yung kanta ni Dua Lipa na 'One Kiss is all it takes, falling in love with me'?" Dagdag ko pa at ngumiti ng malawak sa kaniya habang siya naman ay nanatiling nakasimangot lang sa akin.

"In your dreams Kiddo." Sagot nito at inirapan ako.

"Oh trust me, ilang beses ko ng pinangarap 'yan." Humahagikgik kong turan at humakbang papalapit sa kaniya kaso tanga yung paa ko kaya muntik na akong masubsob sa kaniya. Mabuti nalang at nahawakan niya ang bewang ko.

Mag kalapit ang aming mga mukha at parang isang tulak nalang sa akin ng hangin ay mag lalapat nanaman ang aming mga labi. Parehas kaming nakatitig sa mata ng isa't isa. Nakakahipnotismo ang kaniyang mga mata, para itong may ipinapahiwatig na kung anong hindi ko matukoy.

Bumaba ang paningin ko sa kaniyang mga labi. Marahan niya itong binasa bago kagatin kaya napalunok ako at pilit na lumayo sa kaniya.

Baka kasi kung ano pa ang magawa ko na pag sisisihan ko nanaman. I clear my throat and laugh. "Ate Didi wag mo akong titigan ng ganyan, baka lalo akong mainlab sa'yo sige ka."

"Tsk, you're too young to know about love." Saad nito at inirapan ako.

"Luh. Ate Didi, kahit bata pa ako alam kong minamahal kita. Hindi ito isang laro, hindi ako nag bibiro, may puso din ako kahit bata pa ako." Seryoso kong turan habang sinasabi ang lyrics sa kantang 'Kahit bata pa ako by Aikee'

Walang gana niya lang naman akong tiningnan bago inirapang ulit. "Pumasok ka na nga lang sa sasakyan para maiuwi na kita, mukang lasing ka nga."

"Luuhh, akala ko po ba may pag uusapan tayo?" Taka kong tanong kahit sa totoo ay ayaw ko naman talagang pag usapan kung ano mang gusto niyang pag usapan.

Ano daw Keoni? Ay ewan, lasing nga siguro ako.

"We can talk in the morning kapag hindi kana lasing." She responds and walks towards her car. Ngiting aso naman akong sumunod sa kaniya dahil nakatakas ako.

Phew...

Sa passenger seat ako umupo dahil si Mon ay nakahiga na sa may back seat. "Gaano ba kadami ang ininom niya at ganyan iyan kalasing?"

The Forced MarriageWhere stories live. Discover now