Chapter Forty Nine

22.7K 971 540
                                    

Dionne's pov




Nagising ako sa malakas na tunog na nanggagaling sa tabi ko.

Pupungay pungay ang aking mata habang inaabot yung bagay na natunog. It's my phone, may tumatawag pala kaya tumutunog.

"Ahm...hello?" Inaantok kong sagot at hindi na tiningnan kung sino yung tumawag.

"Hello sweetheart." Napamulat ang mata ko at bahagyang inilayoa ng cellphone sa tenga ko.

It's the devil Keiro.

Agang aga naman mandemonyo nito.

"Is she there?" Rinig kong tanong niya. Napalinga linga naman ako hanggang sa mag tama ang paningin namin ni Keoni na nakatingin lang sa akin habang nakaupo sa may paanan ng kama.

"Hmm...yeah." Tipid kong sagot kay demonyo. I heard him laugh.

"Okay then, I love you." He said and I almost throw up. Hindi ako nag salita at hinintay lang na ibaba niya ang tawag pero mukhang may pinaplano siya dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa binababa.

"I said I love you Dionne." Pag uulit niya na para bang nag babanta ang tono. "Say it back or I'll order my man to shoot Keoni from this angle."

Nanlaki ang mata ko at napalingon sa bukas na balcony. I gulp before looking back at Keoni. "I...I love you too."

Kita ko ang pag iwas ng tingin ni Keoni kasabay ng pag tawa ni Keiro. "Good job sweetheart, yan ang parusa mo sa pag alis ng walang pasabi sa akin. I'll call again later."

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang pag end ng call. I closed my eyes tightly and took a deep breath.

Akala ko pa naman maeenjoy ko ang bakasyon na 'to.

"Kanina pa kita ginigising pero hindi ka nagigising then he called and nagising ka agad. Sweet niyo naman." I heard Keoni said. Nag mulat ako ng mata at tiningnan siya.

"Keo..." Mahina kong tawag sa pangalan niya at bumangon para lapitan siya pero tumayo ito.

"Mag aalmusal na daw, andun na silang lahat sa baba. Ikaw nalang iniintay." She said before walking towards the door. Bago siya lumabas ay tumingin siyang muli sa akin.

"Next time sana kapag sinasabi mong mahal mo siya yung wala ako." She said before forcing a smile and walking out of the door.

Napahilamos nalang ako ng kamay sa mukha.

Damn. Fuck you Keiro.

Agad akong tumayo sa kama at nag tungo sa banyo para mag ayos ng sarili. I need to talk to Naomi.

Nang matapos ako ay kinuha ko ang cellphone ko mula sa kama at lalabas na sana ng pumasok si Margaux. May dala dala siyang mga bathing suit.

"Beh look oh, ganda diba? Binili ko for you, for sure luluwa mata ni Keoni kapag nakita ka niyang suot yan." She said at hinagis ang binili niya daw para sa akin.

"Thanks, pero hindi ako mag siswimming." Sagot ko sa kaniya.

"Same, mag papaganda lang ako tapos mag papapansin sa kapatid mo." Turan nito at ngumisi. Napairap nalang ako.

Ang landi jusko.

"Gutom lang yan. Let's go, kain na tayo." Yaya ko sa kaniya at hinila na siya palabas ng hotel room.

Nag lakad kami papunta sa restaurant kung saan kami kakain ng almusal. Nakaupo na silang lahat at halatang ako nalang ang iniintay well, maliban pala kay Keoni na hindi ko nakita ng makaupo na ako.

The Forced MarriageWhere stories live. Discover now