Chapter Twenty Five

23.7K 1K 408
                                    

Keoni's pov




Nag mamadali akong nag tatakbo papunta sa office ni Ate Didi. Bumili kasi ako ng hello na pag kain tapos may nakita akong corny na pwedeng ibanat na nakasulat sa likod.

Gusto ko sanang i-try sa kaniya kasi nung isang araw pa niya ako hindi pinapansin dahil galit siya sa akin sa pag papapatong ko kay Angela. Ilang beses ko ng pinaliwanag sa kaniya na hero lang yun sa nilalaro namin pero hindi siya nakikinig. Tinataboy niya ako lagi at sinabi na dun nalang daw ako mag pakabottom. What the hell diba?

Nang nasa tapat na ako ng opisina ni Ate Didi ay hindi na ako kumatok at basta nalang pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa may table niya at may kung anong isinusulat.

Nakangiti naman akong lumapit sa kaniya at inabot yung hello na pag kain na binili ko kanina.

"Laloves, pwede ka ba makasama sa gym? Para maging fit tayo together." Banat ko at kinindatan siya. Yun kasi yung nakasulat sa likod ng hello eh.

Nag angat naman siya ng mukha at sinamaan ako ng tingin na siyang ipinagtaka ko.

"Are you saying na tumataba na ako Keoni Santiago!?" Sagot nito kaya nawala ang ngisi sa labi.

"Luh laloves hindi yun ang ibig kong sabih--"

"Is that the reason kung bakit mas gusto mong mag papatong kay Angela na yun!? That bitch!" Irita nitong putol sa akin kasabay ng pag tapon niya ng hello na binili ko sa akin.

"Laloves hero nga kasi si Angela sa mobile legen--"

"I don't care who she is! Get out of my sight Santiago. Argh!" Irita nanaman nitong putol sa akin at tumayo para itulak ako palabas ng opisina niya.

"What the fuck jud..." Kukurap kurap kong turan habang nakatitig sa saradong pinto ng opisina niya.

Haish. Hanggang ngayon galit padin siya kay Angela? Mag iisang linggo na ah. Jusko, mga babae nga naman.

"Anong nangyari sayo? Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa." Someone said beside me. Napatingin naman ako sa nag salita at napangiti.

"Hello Miss Devon, Long time no see! Ang tagal po kitang hindi nakita ah." Masigla kong bati sa kaniya.

"Hmm...yeah. May inasikaso lang na importante." She answered and started to walk away. Sumunod naman ako sa kaniya at sinabayan siya sa pag lalakad.

"Uuwi na po ba kayo Miss?" Tanong ko dahil napansin kong papunta kami sa parking lot.

"Yes. Hindi pa tapos yung inaasikaso ko kaya kailangan ko ng umalis ng maaga. How about you? Are you going home too?" Sagot niya sa akin at tumigil sa may kotse niya. Umiling iling naman ako sa kaniya.

"May duty po ako ngayon dun sa pinag tatrabahuan ko po kaya hindi pa ako uuwi. Sige po Miss Devon, ingat po ikaw sa pag uwi!" I said and smile at her before walking towards my car.

"Santiago!" Rinig kong tawag niya kaya napalingon akong muli sa kaniya.

"You too. Take care." She said and wave at me before entering her car. Nag wave nalang din ako at nag patuloy na sa pag lalakad papunta sa kotse ko.

Sumakay ako at tiningnan ang relo ko kung anong oras na. Baka kasi sa kakadaldal ko ay nalate na ako tapos makaltasan ang sweldo ko.

I still have ten minutes left bago ang oras ng duty ko which is not that bad. Malapit lang din naman yung cafe kaya alam kong aabot ako on time.

The Forced MarriageWhere stories live. Discover now