Chapter Forty Two

23.9K 1K 1.1K
                                    

Keoni's pov




Ipinarada ko ang kotse ko sa tapat ng bahay ni Mom at tsaka bumaba.

Nag tataka akong nag lakad papasok ng bahay habang nakatingin sa mga nakapark na ibang sasakyan sa may garahe.

Anong meron? Bakit parang madami atang tao sa loob?

"Kuya Kieth!" Tawag ko kay Kuya ng makita ko siya. Nakikipag usap siya sa taong hindi ko kilala.

"Baby sissy! Come here, let me introduce you to my girlfriend's parents." Kuya Keith said and wave at me.

Kahit wala ako sa mood na makipag socialize ay lumapit padin ako sa kanila.

"Tita and Tito this is my baby sister, Keoni." Pag papakilala sa akin ni Kuya Kieth sa magulang ng kasintahan niya. I forced a smile at them bago ako mag mano sa kanila.

"Ohh, so this is Keoni. I heard so much about you Iha." Nakangiting saad ni Tito.

"Good things, I hope." Kakamot kamot sa ulo kong turan. Tumawa naman sila at tumango. "Yes, it's all good things Iha."

"Keoni..." Rinig kong pag tawag ng kung sino sa may tabi ko kaya napalingon ako dito.

It's Ate Didi.

I didn't know she was here too.

"Who is this gorgeous lady beside you? Is this your fiancée that your Mom keep telling me?" Tanong naman ni Tita habang nakangiti sa amin ni Ate Didi na nasa tabi ko na.

Napatingin akong muli kay Ate Didi na nakatingin lang din sa akin bago umiling iling kila Tita. "No po, she's my sister in law."

"Oh, I'm sorry. I didn't know Kiero has a new girlfriend." Pag hingi ng paumahin ni Tita. Lumingon naman ako sa kaniya at umiling iling.

"No po Tita. Wala pong bagong girlfriend si Kuya Kiero. Hindi naman po kasi sila nag break ni Ate Didi eh." Sagot ko at bahagyang ngumiti bago yumuko.

"Ahm, excuse me lang po ha. Hanapin ko lang po sibMom at Dad, I need to talk to them. Nice meeting you po." Hindi ko na inintay ang isasagot nila at nag lakad na papalayo.

Bakit trip kong saktan ang sarili ko? Ganun na ba ako katanga?

"Keoni wait!" Rinig kong pag habol ni Ate Didi. Hindi ko naman siya pinakinggan at nag patuloy lang sa pag lakad.

"Keo!" Pag tawag padin niya pero katulad kanina ay nag pretend lang ako na hindi ko siya naririnig.

Ayaw ko siyang makita or makausap, baka yakapin ko lang siya dahil namimiss ko na siya. I need to be strong. Kailangan kong itatak sa kokote ko na hindi niya ako mahal, I need to let her go.

Sa kakaiwas ko kay Ate Didi ay hindi ko namalayan na sa may garden pala namin ako napadiretso.

Haish, lutang nanaman ako. Asaan ba kasi sila Mom at Dad eh. Napaka gala talaga ng mga yun, tsk.

I turn around to head back inside when I bump into Ate Didi who's catching her breath.

"Sorry," I muttered and was about to walk away when she held my hands.

"We need to talk." She said with pleading eyes.

"Pwede po bang sa ibang oras nalang? Kailangang kailan ko lang talaga makausap sila Mom as soon as possible." Sagot ko at mag lalakad na ulit sana papalayo ng higitin niya ulot ang kamay ko.

"Are you really gonna tell them to call off the wedding?" She asked in a hush tone na para bang ayaw niyang itanong.

Malamig ko lang naman siyang tinanguan.

The Forced MarriageNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ