Chapter Forty Four

22.5K 992 484
                                    

Dionne's pov




I hurriedly ran inside the house to look for Keoni.

Nakatulog kasi ako kagabi sa may tabi niya at pag kagising ko naman kaninang umaga ay umalis na daw siya sabi nila Naomi kaya agad agad din akong umalis at dumiretso dito sa bahay hoping that she's here.

I want to be near her all the time para makasigurado akong walang mangyayari sa kaniyang masama.

"Keoni..." I breathed a sigh of relief when I saw her walking down the stairs.

Bahagya niya akong nilingon pero walang sinabi at nag dirediretso lang sa pag lalakad. Nilampasan niya ako at nag tungo sa kusina.

Galit siya sa akin. I can't blame her for being mad at me though, after what she heard yesterday.

Huminga ako ng malalim bago siya sinundan sa may kusina. Kita ko siyang may kinukuha sa may ref habang nakafocus ang atensyon sa cellphone niya.

"Ahm...breakfast? Ipag luluto kit--"

"No need, I'm not hungry." Putol niya sa akin habang nakatingin padin sa cellphone niya.

"Kahit cereals ayaw mo? Bumili ako nung paborito mong coco crunch, we have fresh milk too." Mahina kong tanong at bahagyang lumapit sa kaniya.

Ibinaba naman niya ang cellphone niya at malamig akong tiningnan pero hindi siya nag salita.

"Is that a yes or a no?" Muli kong tanong. Tinitigan niya ang kabuoan ko bago tumigil ang mata niya sa may dibdib ko.

"Instead of pretending that you care about me, bakit hindi mo nalang ayusin ang pag tatakip ng hickies mo? Nabubura yung make up mo." She said before turning her back at me.

Agad naman akong napahawak sa leeg ko at inangat yung suot kong turtle neck.

"Why are you here Ate Dionne? Bakit hindi yung tatay ng anak mo ang pag silbihan mo?" Rinig kong tanong niya bago ako hinarap ulit.

"Naguguilty ka ba kasi pinagmukha mo akong tanga? Well, you don't have to 'cause I'm fine now...I'm fine without you." She said and coldly stare at me before rolling her eyes and walking away.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil ramdam ko ang pag tusok ng malakutsilyo niyang salita sa akin. It's okay though, I deserve it.

Tumingala ako at pumikit para pigilan ang pag tulo ng luha ko. God, ang sakit palang ipag tabuyan.

Huminga ako ng malalim bago mag mulat muli at sumunod kay Keoni sa may sala. Nakita ko siyang nag susuot ng bag niya.

"Are you going to school? I can drive you." I said and smile at her. Hindi naman niya ako pinansin at tumayo na at nag lakad papalabas ng pinto.

"Keo..." Mahina kong tawag sa kaniya bago pa siya makalabas. I heard her sigh before stopping and looking back at me.

"Kaya ko pong mag drive papunta sa school mag isa Ate Dionne, thank you nalang po." Magalang nitong sagot na para bang Ate niya nalang talaga ako.

And fuck it hurts like hell.

"I-I know...but I still want to drive you..."

"Why are you doing this?" Parang pagod na niyang tanong sa akin.

"I just want you to be safe." Sagot ko at nag lakad palapit sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan iyong pinisil.

"Let me drive you to school." She stares at me for a couple of seconds before rolling her eyes.

The Forced MarriageWhere stories live. Discover now