Chapter 6

2.6K 122 13
                                    


AIDEEN'S POV

Nasa mansion ako ni kuya Hades nang tumawag si ate Leigh sa telepono. Nakikipaglaro ako sa mga aso ni kuya Hades, kanina pa nga ako pinagtitinginan ng mga katulong dito, tila hindi makapaniwala na makitang nakikipaglaro ako sa mga aso ni kuya.

Nanatili ako sa garden, I rubbed the creature's tummy. I'm aware that they're not normal animals, they're not even from here. Kuya Hadrian got them in the Underworld, and surprisingly, God Hades didn't get his hounds back from him.

I wonder if kuya Hadrian and Hades are close to each other? Did they have an agreement regarding Cerberus?

There's a rumor circulating in Lolo Franz's mansion, they say that kuya Hadrian and ate Eisha have a connection to the Olympians. It was fascinating to hear, lalo na nakakasama ko lang sila araw-araw. Ayoko sila tanungin about doon, dahil narinig ko rin na hindi sila maaaring magsalita tungkol sa koneksyon nila sa Olympians.

But I still considered myself lucky dahil nakakasama ko sila.

"Cerberus can sense if the goddess is nearby. He's calm only if we are around." Umangat ang tingin ko kay ate Eisha. Nakangiti ito sa akin at hinaplos ang ulo ng aso.

"So, hindi rin siya ganitong kalambing sa ibang tao?" I tilted my head.

She let out a laugh.

"No humankind can tame Cerberus, Aideen. Except for Viena, Hades' niece. The gentlest human that has a good heart can tame them." She winked at me.

My lips parted in amusement.

"They can transform too?" I asked. Ang  alam ko ay nasa iisang katawan lang sila at tatlo ang ulo.

"Oh, yes. Hindi mo gugustuhin makita 'yon." Tumawa siya nang mahina.

"Good that you're both here. How are my girls?" Napalingon kami pareho Kay kuya Hades. Naka-suit ito, mukhang kagaling lang sa trabaho. Tumayo si Eisha at sinalubong siya ng yakap. Kuya Hades kissed her on the lips deeply.

I shifted my eyes back to Cerberus. Natawa silang pareho sa reaksyon ko.

"Athaleigh called me, it's urgent. We have to be in my cousin's company right now. By the way, Hermes is there." Sumilip sa akin si kuya Hadrian kaya napangiwi si ate Eisha.

Kumunot ang noo ko. Nahihiya kong iniwas ang tingin ko.

"Hindi ko naman po tinanong." Hindi ko maiwasan magsungit dahil halatang inaasar nila ako sa lalaking 'yon. Magagalit iyon kapag nalaman niya na inaasar nila ako sa kanya.

Lumakas ang tawanan nilang dalawa.

"Nagsusungit na ang dalagita, dahil ba 'yan kay Hermes?" Pang-aasar pa ni ate Eisha.

Huminga ako nang malalim.

"Tungkol po saan ang pag-uusapan natin nila ate Leigh?" Pag-iiba ko ng usapan. Napailing na lang si ate Eisha, may ngiti pa rin sa labi.

"Tungkol kay Hermes." Sagot ni kuya Hadrian. Seryoso ito kaya hindi ko malaman kung niloloko pa rin ako nito o hindi. Gayunpaman, nagsalubong ang kilay ko sa irita.

"Niloloko niyo lang po ata ako eh. Hindi naman ako interesado sa kanya." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Pinagpag ko ang dress ko dahil matagal ako nakaupo sa damo.

Humalakhak si ate Eisha. Napailing si kuya Hadrian, may ngisi sa labi. Pinipigilan niya ang nobya niya na tumawa para hindi na ako mainis lalo.

"I mean Dionysus and Hermes are involved in a recent murder crime. They want us to be there to discuss something related to that." Pagpapaliwanag nito.

The Return of MythiansWhere stories live. Discover now