Too Pushy --- Too Numb

17 0 0
                                    

"Sis, kamusta na pakiramdam mo? Sobrang kinabahan talaga ako  kanina when Kuya said na you fainted daw. Buti na lang hindi ganun  kalala ang condition mo." -Genevieve. She walked towards me and sat on the chair that was occupied by Mom awhile ago.


"Sorry  talaga, Sis, ah. Naabala ka pa talaga. It's just that, I've been too  busy with work. Ang lalaki kasi ng mga projects na hawak ng team ko  ngayon kaya medyo parati akong pagod. And if I feel tired, I'd rather  sleep than eat." -me.


"How about now, Sis? Are you feeling better?" -Genevieve.


"I'm good, Sis. Sinubu-an ako ng Mom kanina. Alam mo naman 'yon." -me.

I felt tired. Really tired. Inayos ko ang pagkakahiga ko and agad naman akong inalalayan ni Genevieve.


"You should rest na, Sis. Magagalit si Kuya kapag may nangyaring masama sa'yo." -Genevieve. She was fixing my blanket already.


"Sis,  walang ganun noh. Hindi kami nagkabalikan ng Kuya mo. At hinding-hindi  na mangyayari 'yon. I'm just working under him as of the moment. Nothing more." -me. I had to clarify things, dahil baka kung ano pa ang isipin ng batang 'to.


"Talaga?  Bakit nakikita ko pa rin sa mga mata ni Kuya na mahal na mahal ka pa  rin niya? 'Yung tipong nagpapahiwatig ng pag-aari niya sa'yo."  -Genevieve. She was looking for something in her bag when she said this.  A part of me wanted to tell her about the things that happened these  past few days, pero parang bwisit pa rin ako sa idea na naiipit na naman  ako.


"Hay. Kamusta ka na pala, Sis? Ang tagal na rin kitang hindi nakikita. May boyfriend ka na ba?" -me. Awkward. I was actually avoiding the topic.


"Okay  lang ako, Sis. 'Eto, katuwang ni Kuya sa pagpapalago ng kompanya.  Nakakapagod lang pero mas okay nga na ikaw muna alagaan ko. Para  makatakas naman ako sa office even for a short while. This would  actually help me loosen up a bit." -Genevieve. She already took out her phone and guessing from her actions, she's already reading something from it.


"Kaya pala gustung-gusto mong alagaan ako! Kasi tinatamad ka na namang magtrabaho." -me. We were laughing already. Masaya kami 'pag magkasama dahil nakakatawa kami ng natural. Wala kaming tinatago sa isa't-isa.


"Alam  mo, Sis, based on what I see in you right now, ang dami ng nagbago.  Ibang-iba ka na sa kilala kong Nicole dati. Sobrang layo na. You seem to  be stronger. Parang sa nakikita ko, walang bagay na hindi mo nakakaya.  Naging ganyan ka ba simula ng... Simula ng..." -Genevieve. I was quite taken aback with what she suddenly said. Nabasa niya na agad ako kahit kakakita niya pa lang sa'kin.


"You  know me too well, Sis. Well, the answer is yes. After what happened  between me and your brother, I came to realize that I needed to buckle  up. Wala na kasi 'yung dating wall na sinasandalan ko. Kinailangan kong  maging pader ng sarili ko. And you know how sturdy walls should be. Kaya ganun din dapat ako." -me. I was trying to explain this matter to her as plain as I can be.


"A lot has happened na nga siguro, Sis. It's been 5 years right?" -Genevieve.


"Ang tagal na nga. Ang dami ng nangyari sa buhay natin. I think we should catch up, Sis. Miss na din kita eh. Sa bahay ka na lang tumira ha? Papayag na'ko sa gusto nilang mg Sick leave ako pero sana samahan mo 'ko sa bahay." -me.


"What?..." -Genevieve. She was a bit shocked.


"Don't worry. I will ask my secretary to look for a temporary helper for us. You don't have to really take care of me. You don't have to do anything. All  you have to do is be you." -me. Medyo kinabahan ako na hindi siya pumayag dahil baka iniisip niyang mahihirapan siya sa bahay. Of course, I have to assure her na magbubuhay princesa din siya sa bahay ko.


Infinite ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon