---> Rio Maktel at the picture! :)

-----

Chapter 39

Kanina pa si Rio naglalakad habang pinapasan ako sa kanyang likuran. Naghahanap kasi kami ng pweding pagpalipasan ng gabi.

Nakakita ako ng ilaw sa may bandang bukid.

"Rio, look!" Sabi ko habang tinuturo ang ilaw.

Napahinto naman siya at napatingin sa tinuturo ko. "Are you nuts? Ang bigat-bigat mo, tapos aakyat tayo ng bundok?" Pagrereklamo niya naman.

Natahimik na lang ako.

Oo, nga naman. Ang bigat-bigat ko, tapos aakyat kami ng bundok. Kawawa naman siya. Nagsusungit 'yan, kanina pa eh.

-

After 1426363537252682 years, nakahanap na rin kami ng bahay na pweding pagtuluyan.

Maliit lang ang bahay, parang kubo lang siya pero pwedi na ring pagtiisan.

*knock*knock*

"May tao po ba diyan?" Tanong ko naman.

Si Rio tahimik lang.

Biglang bumukas ang pinto, at bumungad sa amin ang isang babaeng may edad na. Nakasuot siya ng daster at nakasalamin.

"Anong sadya niyo dito sa ganitong dis oras ng gabe?" Tanong niya.

Mukhang mabait naman siya, kasi nakangiti siya habang nagtatanong.

"Can we stay here for awhile? Don't worry, I'll pay the bill." Sabi ni Rio habang naghihikab.

Sa tinagal-tagal naming magkakilala ni Rio, ngayon ko lang siya nakasama na SERYOSO, COLD, at medyo RUDE. Dati kasi, JOYFUL, PESTE, BUNGANGERO, at FRIENDLY.

People change nga naman.

"Nako iho, hindi ako nagpapatuloy dito ng kung sino-sino lang, kahit ilang milyon pa 'yang ibayad mo sa akin!"

And with that, I think I should speak too.

"Maawa naman po kayo sa amin. Isang gabi lang naman po." Sabi ko naman.

Nagulat siya ng makita ako sa likuran ni Rio na nakapasan.

"Nako! May kasama ka pala? Siguradong mabigat siya. Kalong-kalong mo pa naman. Hali kayo pumasok muna kayo." Sabi niya at tuluyan ng binuksan ang pintuan.

The Three Mafia KingsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!