---> Rio Maktel at the picture! :)

-----

Chapter 22

Riba's POV

*knock*knock*

Arggg! Ang saya ko pa namang nakahiga sa kama ko habang iniisip kung paano ako makakapaghiganti sa Rio na yun! Ang kapal kasi ng face! Sarap ipalapa sa buwaya! Arggg! Business matters! Tengeneng business matters na yan! =___=

Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Tumambad ang mukha ng aming katulong. "What?" Tanong ko sa kanya.

"May bisita po kayo." Sabi niya.

"Sabihin mo sa kanya, wala ako dito." Walang gana kong sabi. "Pero, teka! Sino ba yan ha?" Tanong ko sa kanya.

Napakamot naman siya ng ulo. "Eh, ma'am... sabi niya, My name is GUESS-WHO-BASTA-GWAPO!" Sagot niya sa akin.

I think kilala ko na kung sinong gagong yun!

"Sabihin mo sa kanya, may sakit ako. Natutulog at naglalakbay sa kabilang dimension ng mundo. Go!" Sabi ko sabay tulak sa kanya papalabas.

Isinirado ko na ang pinto. Pesteng lalake yun! Gusto niya bang makatikim ng super dupper punch?

Maya-maya pa'y... *knock*knock*

Mabilis akong naglakad papunta sa pinto.

Binuksan ko ang pinto at... "Sabing sabihin mong maysakit ako! O, di kaya'y nag out of the town at---" Natigilan ako ng makitang si Rio na pala ang kaharap ko.

"At ano miss beautiful? Ikaw talaga! Ba't ayaw mong makausap ako ha? Ako na nga itong bumisita!" Sabi niya sabay ngiti.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala akong sibabing bumisita ka dito. Shoooo! Peste!" Sabi ko sa kanya at nag shooo sign pa kuno.

Inilagay niya sa kanyang dibdib ang kanyang kanang kamay. "Masakit to." Sabi niya.

Aba, ang arte ah?

"Walang flag of the Philippines dito. Wag kang umastang kumakanta ka ng lupang hinirang. Para kang tanga!" Sabi ko sabay irap. Dadramahan pa ako eh!

"Hindi... masakit yung heart ko kasi dinededma mo. Hindi ako umaawit ng lupang hinirang. Ikaw talaga, in denial." Sabi niya sabay ngiti.

Aba't-abay!! Ang sarap niyang hampasin ng flower vase sa ulo! Argggg!

"Pwedi ba? Maria santisima! Past 5am pa lang ho... ang aga pa ah, nambubulabog na kayo? Mahiya naman ho kayo!" Sabi ko sa kanya.

O, pinapamukha kong mukha siyang matandang pasaway sa paningin ko! =___=

"Oo, alam kong malayo ang agwat natin sa isa't-isa. 16 years old ka, 21 years old ako. Pero hindi mo ba naisip na hindi naman child abuse ang 5 years of gap? *killer smile*" Sabi niya.

Oo, nga noh? 5 years of gap... pero nakapagtataka lang. Meaning... "So you mean, graduate ka na?" I asked him.

Ngumiti naman siya. "Yup. Kaming tatlo nina Choi at Sumi. Under management. Ba't ka napatanong? Care for me?" Tanong niya.

Like, duh! Pakealam ko sa kanya?

"Pero bakit ba kayo nagre-repeat ng senior high?" I asked him.

Wag niyong lagyan ng malisya ah? Medyo nakakacurious lang talaga.

"Dahil sa maraming rason." He said and looked away.

The Three Mafia KingsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!