---> Rio Maktel at the picture! :)

-----

Chapter 38

Riba's POV

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa Palace, pero hindi ko makita ang kinalalagyan ng pesteng elevator.

"Miss, nasaan ang elevator dito?" Tanong ko sa babaeng mukhang crew sa hotel.

"Nako ma'am! Sira po ang elevator ngayon. Maghagdan na lang po kayo." Sagot niya.

Ako---> (O___________O)

"Ilang floor ba ang kailangan kong akyatin bago makarating sa rooftop?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya ng tipid. "35th floor po." Sagot niya.

"35th???!!" Pasigaw kong tanong.

Naninigurado lang ako.

Tumango siya, at umalis na.

Uwaaaaah!!! 35th floor?? T______T Hindi kaya mamamatay naman ako sa pagod 'non? O, di kaya'y sinasadya talaga ni Rio? Hindi ba talaga siya naaawa sa akin? Personalan talaga? Past is past, diba? T______T

-

Pagkarating ko sa rooftop ay wala na akong heels na suot. Umakyat ako ng nakayapak, habang hinihingal-hingal. Nakakairita! Sobra! Pawis na pawis pa ako, ang sarap magshower.

Tumingin ako sa paligid at wala akong nakitang kahit na ano. Ang dilim, to the point na ni ilaw wala.

Nilapag ko ang laptop, projector at white cotton cloth ko sa sahig. Sobrang pagod ang katawan ko. Nangangalay pa yata ang braso ko, tapos wala siya?

Naglakad ako papunta sa gitna, and...

*splash!!!!*

"Waaaaaaahhhh!!" Napasigaw ako.

*bammmm!!*

Nadulas ako! T_____T Bakit ba may mga balat ng saging dito? Nakakainis! Pakana siguro ito ng Rio Maktel na 'yon! Nang-iinis ba siya? Ba't di niya na lang ako tantanan? Kung ayaw niya sa akin, hayaan niya na lang ako. Nakakainis kasing isipin na nagpapakasaya siya, habang nagluluksa akong mag-isa.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

[NP: This Is Love by: SuJu]

~This is love this is love yeorin baramdo
Gil gae pieonan susuhan kkotto
This is love this is love aju jageun ge
Sarangieotdaneun geol alge hae jun neo~

Calling +63**********...

"Hello?"

"I change my mind. Sa Quartz Restaurant na lang pala."

"What? Are you nuts? Nasa north side ang Palace na kung saan ay nandito ako ngayon, tapos papupuntahin mo ako sa Quartz Resto na nasa south side?!!"

"Oh, are we close? You talk very unprofessional miss Salanzar. I may change my mind, and won't listen to your proposal if you won't change that attitude of yours."

"Fine. Mukhang hindi naman kasi nakakapagod ang pag-akyat sa 35th floor gamit ang hagdan!"

"Are you saying anything, miss?"

Call ended...

Binabaan ko nga. Anong akala niya sa akin, call girl? Tatawagan niya lang kung kelan niya gusto, at uutusan ng kung ano-ano? Kung hindi lang dahil sa company namin, hindi ko talaga gagawin 'to. Ma pide akong tao, pero napapasubo ako dahil sa lang sa isang business. Potang business 'yan.

The Three Mafia KingsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!