Chapter 1

Tiffany's POV

Nasa canteen ako ngayon kumakain, kasama ang aking dalawang beastie. Sina Sica at Riba.

"Waaaaah!~ Ikaw na ba yan Tiffany?" Tanong ni Sica sa akin.

"Oo, nga. Parang hindi ikaw. Para ka yatang gumanda." Dagdag pa ni Riba.

Gumanda daw ako? Eh matagal na kaya akong maganda sabi ni mommy. *kamot sa ulo*

"Talaga?" Masayang-masaya kong tanong.

Nagkatinginan silang dalawa at...

"Bwahahaha!!! Hahahaha!!!~" Sabay nilang tawa.

"Naniwala naman si ineng! Hahaha!" Sabi ni Sica.

"Oo, nga. Idol ka talaga best!" Sabi din ni Riba.

Hala guys, I need your help. Nababaliw na yata ang dalawa at biglang tumawa. Pero baka kailangan ko ring tumawa? Tanungin ko kaya sila?

"Sica, Riba... kailangan ko rin bang tumawa?" Naguguluhan kong tanong.

Napatigil sila sa pagtawa at nagkatinginan ulit.

"Bwahaha!~ Tanga pa more!" Sigaw ni Sica.

"Oo, nga eh. Ang tanga talaga! Hahaha." Sabi ni Riba at tumawa ng tumawa.

Ngayon ay pinagtitinginan na kami ng mga studyante sa canteen. Paano bang hindi? Eh, mga baliw ang mga kasama ko eh. Akalain niyo, tinanong ko lang tumawa agad? Ano kaya ang nakakatawa? Siguro kailangan ko ng tawagan si dora at utusang sabihin kay detective conan na ipapaimbistigahan ko itong mga beastie ko. Para na malaman ko kung sino ang may sangkot sa pagiging baliw nila. HUSTISYA! HUSTISYA! Tama naman diba? Fight for your right! Yan ang sabi nila. So ano? Protesta na tayo ng hustisya?

*poink!!*

"Imagination mo, kung saan-saan na naman lumilipad." Sabi ni Riba.

"Lumilipad? Bakit, may pakpak ba sila?" Inosente kong tanong.

First time ko yatang makarinig na may lumilipad na imahenasyon, noh! Saan kaya ako pweding makahanap nun? Para naman makasakay ako dun, edi tipid sa pamasahe. Hehehe.

"Ay, nako. Trending ang tanga ngayon guys!" Sabi ni Rica.

"Oo, nga eh! Nakiuso pa ang kaibigan natin." Pagsang-ayon naman ni Sica.

Kaibigan natin? Eh, wala na kaming ibang kaibigan diba? Don't tell me na may third eye sila at nakakakita sila ng multo? Waaaah! Ayoko na! Mommy, help!!! T___T

"Anyare sayo?" Tanong ni Sica.

"Lumayo kayo! Nakakakita kayo ng multo diba? Waaaah!" Sigaw ko.

Nagsitawanan naman ang mga tao sa cafeteria. Kinalabit ko sila.

"Bakit sila tumatawa? Nababaliw na ba sila?" Tanong ko sa kanila.

Napailing silang dalawa. "Psh. Tanga ka talaga beast! Hahaha." Sabay nilang sabi.

Ano ba kasi talaga ang tanga? Kanina pa sila sabi ng sabi ng tanga ah? Di kaya, nababaliw na sila at naisipang gawing favorite word of the day ang salitang tanga? *kamot sa ulo*

__________

To be continued... :)

A/N: I know, masyadong maikli ang first chappie. Actually, first time kong triny na paiksiin ang chapter, compared sa iba kong story mahahaba ang chapters nun. Anyways, I hope you'll continue reading and supporting this story. Thank you! :*

The Three Mafia KingsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!