A/N: Hello, readers! :) Maraming salamat po sa pagbabasa at sa patuloy na pagsuporta! I promise to make it the story more challenging. Once again, thankyouthankyou! :*

-----

Chapter 46

Tiffany's POV

The next day, kuya called me. He told me to prepare something regarding our business. So, it means na makakaharap ko nanaman ang mga hampas-lupang kings! I rolled my eyes.

Nasa mall ako ngayon para makapag-relax at makabili ng mga latest trend fashion. Dahil kasi sa katangahan ko, nasira ang fashion style ko. Arrrg!

Biglang may humigit sa braso ko. Kinaladkad ako sa bodega nang mall kung saan walang ibang tao kundi kami. "Mag-usap tayo." Aniya.

Tinignan ko ito at hindi ko inakalang si Riba ito kasama si Sica.

I yanked her hand. "For what?! Isa rin kayo sa contributors sa buhay ni Tiffany Lian Kastel? Then, I'm sorry to say, but I am not her anymore. I don't know you gals!" Sabi ko sa kanila. Pero hindi ko maintindihan kung bakit bawat diin ko sa mga salita ay nasasaktan din ako. Tila may kung ano sa puso kong nagsasabing importante sila sa buhay ko.

"Alam naming bumalik na 'yang alaala mo. Pero alam din naming, hindi mo nakalimutan kung sino kami sa buhay mo, nang halos kinalimutan ka na ng lahat!" Sica yelled at me. Bakas sa kanyang itsura ang frustration. Siguro nga dahil hindi natuloy ang kasal nila ni Sumi. Mabuti nga 'yon!

"Wow, ha? Ako nga tinalikuran. Eh ikaw? IKAW ANG TUMALIKOD! Akala mo matatakasan mo ang Napnoteon? Hanggang nabubuhay ka, we will make your life a living hell!" Sumbat ko naman sa kanya. 'Di hamak na napakalaki ng kasalanan niya sa Napnoteon. Dapat sa kanya, pinatay na! Kung hindi lang kasi dahil sa pesteng feelings ng kapatid ko! Aish! Bwesit!

Riba started to speak. "Tiff, stop it! TAMA NA! ANO KA BA?! You're hurting her! We are best friends, right?! Kaya please lang---"

"WE ARE NOT! How dare you two?! I don't have damn friends like you!" I shouted.

Then, I turned my back at them.

Hinigit nanaman ako ng isa. "Ano ba?!!!" Irita kong sabi.

Tears fall into her eyes. Riba cried. "T-Tanggap naman namin kung sino ka eh! A-Ayaw l-lang naming masira a---"

Tinulak ko siya, dahilan kung bakit siya napalayo sa akin. "Pwedi ba?! Stop this drama! Ang da-drama niyo! You think maaawa ako sa inyo? Bitch, please!" Sabi ko.

Sica looked at me sharply. I can see pain, anger, and hatred in her eyes. Wala parin talaga siyang pinagbago.

"O, ano Sica?!" Hamon ko sa kanya.

Nagulat ako sa biglaan niyang paglapit at paghawak nang mahigpit sa aking braso. "A-Aray!" Sabi ko dahil parang pinipiga niya ito.

"You're going with us!" Sabi niya.

Napatawa naman ako nang mahina. Pwersahan pala ah?

"It's a no!" I said atsaka mabilis na hinigit ang kamay niya at pinulupot ito, kaya napadaing siya sa sakit.

"Fuck!" Sabi niya

"Marami ding itinuro si Kuya sa akin pagdating sa pakikipaglaban. Kaya, don't underestimate a bitch like me!" Sigaw ko sa kanya.

Ngumisi siya habang hawak-hawak ang kamay na binalian ko nang buto. "Talaga lang? Eh, ito. Tinuruan ka ba niya?" Sabi niya at saka mabilis na hinigit ang damit ko, kaya nahatak ako papalapit sa kanya.

May inilabas siyang maliit na kutsilyo sa kanyang bulsa atsaka...

"Shit!" Napadaing ako sa hapdi.

...pinilasan niya ang aking braso.

"Ikaw rin. Don't underestimate the resigned queen of Napnoteon." Sabi niya at saka itinulak ako nang malakas. Dahilan kung bakit ako napahandusay sa sahig.

Hinawakan ko ang nagdurugo kong braso. This is shit! Sica is really good at this. Hindi ko 'to pinaghandaang mangyari!

Akmang susugurin pa sana ako ni Sica, nang biglaan siyang pinigilan ni Riba. "Sica! Tama na!" Sabi niya rito.

Biglang lumapit si Riba sa akin na may dala-dalang bandage. "B-Beast... akin na ang braso mo." Sabi niya.

Napangiwi naman ako. "Kainin mo 'yang bandage mo!" Sabi ko sa kanya at mabilis na tumayo. "Tapos na akong makipag-usap sa inyo." Sabi ko at akmang lalabas na ng bodega. Ngunit may biglang sumagi sa aking isipan. "One more thing. GET OUT OF MY LIFE." Dagdag ko at tuluyan na silang nilisan.

---

The Three Mafia KingsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!