Chapter Sixty-Five - I'm Hurting Too

1.8K 56 9
                                    

"BAKIT mo sinabi sa kanya?" malamig na tanong ni Stacey habang nasa kotse.

Sa pagkakataong ito, si Ronnie na ang kanyang katabi. Ito rin mismo ang nagmamaneho sa sasakyan. Nagdahilan lang daw ito na may bibilihin lang, pero ang totoo ay sinusundo siya nito. Dadalhin daw siya nito sa tinitirahan nila ni Renante. Dahil sa pagkapahiyang naramdaman ni Derrick sa pangongompronta niya rito kaya siguro pumayag itong sumama siya kay Ronnie.

"Bakit hindi?" walang latoy na tugon ni Ronnie. Hindi man lang siya nito nilingon. "Siya ang tatay ng batang dinadala mo. Kung tutuusin nga, siya dapat ang pinakaunang nakaalam sa nangyari sa anak ninyo."

Stacey hung down her head. "Alam mo naman ang kondisyon niya."

"I know, but tell me, when is the right time to tell a news like that? Kung kailan bumubuti na ang pakiramdam niya? Para ano? Para sumama na naman ang pakiramdam niya?"

She never thought of that. Ronnie's reasoning made sense. But still . . . "Ronnie, I believe that one must be a little more considerate with others. When two misfortunes arrived, the best way to deliver the news about them is to break it to the other person gently, one by one, so they can manage the pain."

"Ano'ng tingin mo kay Renante? Bata? Matanda na siya. Matibay na dapat ang dibdib niya pagdating sa mga ganitong bagay. Hindi ba puwedeng sabay niyang harapin ang pagkawala ng anak niya at ng kakayahan niyang maglakad? Para isahang sakit na lang, hindi ba?" he scoffed, but there was this bitter sorrow in his tone.

Napamulagat naman siya at nanlalaki ang mga mata na tumingin sa lalaki. "Kakayahan sa . . . Napilay siya?"

He nodded while his eyes were still focused on the road. "May pag-asa pa naman siyang makalakad uli. He just needs to attend to his therapy sessions."

Nalulungkot na napatanga na lang siya sa harapan ng sasakyan. She spoke as if in monologue but she was actually replying to Ronnie. "I must be blamed for this. Nagkakagulo na noon ang mga tao sa eroplano pero imbes na nakaupo siya ay hinanap pa niya ako. Hindi siya mai-injury nang ganoon kalala kung—"

"Stop that crap,will you?" he snapped, the volume of his voice sounded controlled though. "Si Renante ang nakaisip na umalis sa upuan niya para hanapin ka. Hindi mo kontrolado kung ano ang mga ginawa niya noong mga oras na iyon."

She turned to him. "I still influenced his judgement when it comes to deciding what to do during that time! He did that because of me!"

"So, you are blaming yourself for what happened to him, even if the simple reason why you are out of your seat is that you used the toilet?"

Nahihiyang nag-iwas si Stacey ng tingin kay Ronnie.

He stole an irritated glance at her. "Now, can you hear how ridiculous you sound?"

Napayuko na lang siya. Her hands stuffed inside her windbreaker's pockets were growing restless. "Ano na ang ginagawa ngayon ni Renante? Bakit kailangan mo pang magdahilan na may bibilhin ka lang kaysa sabihin na susunduin mo ako?"

"Because the truth is, Renante doesn't want to see you."

Tila tumigil siya sa paghinga dahil sa narining.

Ronnie continued. "Unang bisita mo pa lang sa kanya sa hospital room, gising na siya noon. He just pretends to be asleep everytime you visit."

Stacey felt a hard lump in her throat. "Is he mad at me? Napu-frustrate ba siya dahil hindi siya makalakad kaya ayaw niya akong makita? Iniisip din ba niya ang iniisip ko na kasalanan ko—"

"Kaya kita sinundo ay para pag-usapan ninyong dalawa nang masinsinan ang bagay na iyan. Kaya huwag ako ang tanungin mo nang tanungin, Stacey."

Napairap siya rito. Kahit kailan talaga, magaspang ang pakikitungo sa kanya ni Ronnie. Even in situations like this, or maybe even if his life depends on it, he won't treat her a little nicer than he usually does. There was a little improvement though. Noon, ang tingin sa kanya ni Ronnie ay taong puro kapahamakan ang hatid kay Renante. Ronnie blamed her for every bad thing that happens to his younger brother. For the first time, he finally told her that she should not blame herself for what happened to Renante. In that case, she didn't have to demand so much nice-treatment from Ronnie then. Like other people, she should allow Ronnie to adjust in his own pace, until he naturally becomes comfortable with her presence.

Through Secrets UnveiledWhere stories live. Discover now