Chapter Fifty-Six - Each Other

1.4K 44 3
                                    

THE next few months were spent focused on VVatch’s latest watch collection. Natapos lang ang preparasyon kung kailan malapit na mag-Disyembre.

Sinimulan na i-market sa social media accounts ng VVatch ang mga bagong modelo ng wristwatch. Simpleng mga teaser pa lamang ito at pinapa-hype pa nila bago tuluyang gawing available sa merkado.

Kasalukuyang, tinatapos pa ang final packaging ng mga relo. Mabusisi rin ang pag-double check kung gumagana ang mga ito. Paige and Stacey worked together in personally checking the quality and design of each woven wristbands for the watches.

Si Renante naman ang bumisisi sa mismong mga relo, sa paggalaw ng mga kamay nito, at functionality ng mga knob nito. He was assisted by his hired watchmakers headed by Sir Monty all throughout the process.

Until second week before the end of November came. Sa panahong ito, halos mag-iisang buwan na rin hindi nakaka-interact nina Stacey ang sinuman mula sa Gallardo’s, kaya laking gulat nila nang bumisita sa kanilang opisina si Pierre.

“Good morning!” he beamed while being assisted by Eloisa to the Design Department.

Mabilis na iniwas ni Paige ang tingin dito. She focused her eyes on her tablet and tapped quickly on her Bluetooth keyboard. Stacey immediately got the message, kaya siya na ang tumayo mula sa silya para salubungin ang bisita.

“Pierre! What brings you here?” hilig niya ng ulo nang malapitan ito.

“I have news,” then Pierre turned to Eloisa. “You can join us, Eloisa.” Pagkatapos, ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Saan ba tayo puwedeng mag-usap?”

Stacey lowered her eyes. Naramdaman niya kasi ang excited na paghablot ni Pierre sa kanyang kamay, malapit sa pupulsuhan. She stared and confirmed that it was really him holding her there.

Pagkatapos, inangat niya uli ang tingin nang magsalita ang lalaki.

“Puwede ba na ikaw na rin muna ang umabala kay Renante? Itong si Eloisa kas, natatakot abalahin ang boss niya. I want him to be the first to know this news. I know because he's the boss here, so he should be the first to know—”

“You didn’t even set an appointment. Bakit kailangan mo siyang istorbohin?” prangka niyang sagot sa magaan na boses.

“Well, what else is he doing? I know it still involves our companies’ partnership. I am your company’s collaborator, so it means, we can freely talk to each other, because we still work together.”

“I know, pero kailangan na namin tapusin ang packaging ng mga items—”

Pierre groaned. “Kung bakit ba naman kasi, hindi n’yo na lang ipinaubaya ang packaging sa mga tao ko sa factory.”

“For an additional fee? We’re already good,” pamewang ni Stacey gamit ang isang kamay. “To be honest, we don’t mind paying. Your employees did great with the wristbands anyway. Kaya lang, inconvenient para sa amin. Iku-quality check ang mga relo rito ‘tapos ita-transport ang mga ito back and forth? QC dito, packaging sa Muntinlupa, pagkatapos, ipapadala uli rito para itabi sa stockroom? Baka during transit pa masira ang mga relo!”

Pierre sighed and boredly waved a hand. “I know. I know. I understand. Nabanggit n’yo na iyan, I was just—” Nagliwanag uli ang mukha nito. “I just have an exciting news, okay?”

“Just tell it already,” tindig ni Paige mula sa upuan nito. “Your noise is disturbing us during our work hours.”

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Stacey sa dalawa. Are they glaring at each other?

Matalim ang tingin na ipinukol nina Paige at Pierre sa isa’t isa. Inekis pa ng babae ang mga braso nito habang naghihintay magsalita ang binata.

“At least, offer your guest a seat. Where’s the hospitality, Miss Uychengco?”

Through Secrets UnveiledWhere stories live. Discover now