Chapter Three - Lunch

4.7K 64 1
                                    

DARK BLUE SHORTS AND GREEN TUCKED-IN POLO. Maliban doon, may hawak na sunvisor sa kamay ang matandang lalaki- ang tatay ni Renante na si Ronaldo.

His dark hair was thinning, yet decently covered his scalp anyways. Medyo malaki ang pinayat ng ama ni Renante. Dahil sa pinayat, medyo nagmukhang laylay ang balat nito. Mas naging prominente ang kulubot niyon sa maputing kutis ng lalaking nasa 60s na nito.

Ronaldo's eyes sparkled with genuine surprise.

"Buti naabutan ko kayo. Si Ronnie na rin ang nagsabi na nandito kayo."

Stacey took in a deep breath. She already met Renante's father on few occasions, but not on casual settings like this one. Kahit kailan kasi, hindi pa siya nakakaapak sa bahay nila Renante. Bilang na bilang ang mga pagkakataong nakita niya ito tulad noong graduation nila at ilang programs sa school nila noon na kailangan ng presensya ng mga magulang. In fairness with Renante's father, he could attend to those things inspite of the fact of being a busy businessman.

Ginawaran niya ng magalang na ngiti ang matanda at mas nilaparan iyon nang gumawi ang tingin nito sa kanya.

Siyang sagot ni Renante sa ama.

"Don't tell me you decided to drop by here just because Ronnie told you I am here?"

"Not really. He just mentioned you're with someone here," simple na naman ng sulyap ni Ronaldo sa kanya bago bumalik sa anak nito. "So, I figured..." the old man shrugged and left the rest up to Renante to fill in.

Akala niya matutuwa ang lalaki. Pero taliwas sa inaasahan niya ang naging reaksyon nito. Renante released a tired groan. Iniwan siya saglit ng lalaki para lapitan ang ama nito, napunta tuloy ang kanyang tingin kay Ronnie.

Ronnie, Renante's older brother, had his wavy hair neatly swept on one side, flicking up some strands that made his hair look like a cap of black chocolate ice cream on a cone. Ronnie is staggering handsome in his forties despite his seemingly displeased expression at her presence- eyes narrowed, tight-lipped, eyebrows slightly furrowed.

Of course, he would be displeased. Hindi kasi ibig sabihin na girlfriend na siya ni Renante at nabigyang linaw na ang maling pagkakakilala nito sa kanya ay gan'on gan'on na lang iyon.

Na magkakasundo na sila kaagad ni Ronnie.

"Dad, come on. Stace is not even briefed about meeting you today," malumanay nitong paliwanag sa ama. "You might pressure her-"

"What pressure?" lapit na rin ni Stacey sa mga ito. "What's wrong with me meeting your Dad, Renante? Ayaw mo ba?"

Relaxed lang ang kanyang tono. Wala siyang ibang ibig sabihin doon, nagtatanong lang siya ng maayos sa lalaki. But Renante took her words differently. She saw it in the way his amicable face changed into a dark scowl.

"Stace, can we just talk later?" at binalik nito ang tingin sa ama bago sa kapatid nitong si Ronnie. "Please, accompany Dad for a while. I'll just meet you all later for lunch sa resto rito. Stace and I just-" naputol ang sasabihin ni Renante dahil nang lingunin siya nito, nawala na siya sa kinatatayuan.

Nag-uunahan ang mga paa ni Stacey sa pag-walk out sa mga ito.

Mga mata lang ni Ronnie ang gumalaw. Napatingin sa kisame. He was already groaning internally, probably adding one point under the column of cons list that he mentally set for Stacey.

"What did I tell you?" sa wakas nailabas na ni Renante ang tunay na boses nang makaalis si Stacey. He was being all nice earlier for her sake. "Bigla-bigla na lang kayo sumusulpot dito nang hindi handa 'yong tao." Then he shook his head. "We'll just talk," paalam ni Renante sa mga ito at umalis na bago pa nakasagot sila Ronnie at Ronaldo.

Through Secrets UnveiledWhere stories live. Discover now