Chapter Two - How To Hit

8.2K 89 4
                                    

"SIGURADONG WALA KANG AASIKASUHIN NGAYON, STACE?" lingon kay Stacey ni Renante habang minamaneho nito ang golf cart.

Makinis ang golf cart. Kumikinang sa bawat tama ng araw ang puting bubong nito. Gayundin ang puting finish sa katawan ng sasakyan. Itim ang mga gulong na (kung pakiramdam ng nakasakay ang pagbabasehan) kung umusad ay parang dumudulas imbes na umiikot.

Stacey turned her eyes on Renante. Nasa harap lang ang tingin ng lalaki na isang kamay lang ang nakahawak sa itim na manibela.

"I'm already here, Renante, bakit parang gusto mo akong umalis?"

"Hindi sa gan'on," defensive na ang tono nito. Tinapunan pa siya ng matalim na irap bago binalik sa dinadaanan ang tingin. "I just want to make sure dahil baka nakakaabala ako sa mga passion project mo. Are you not planning to brainstorm today? To sketch some new woven bag designs?"

Her heart grew a division for two parts. The first one enflamed and melted. Renante just took note of everything about her. Nakakatunaw ng puso isiping 'yung taong mahal niya ay isinasaisip ang mga maliliit na bagay tungkol sa kanya. At the same time, there's the other half of her heart-- cautious and guilty. Pinapaniwala pa rin kasi niya si Renante na may negosyo pa rin siyang pinamumunuan.

Nag-iwas siya ng tingin. Thank God, she was wearing a pair of dark-tinted Owndays sunglasses, a black thick framed Niche model. With that, it was easier for her to feel at ease from worries that her eyes might betray her.

"I haven't been in a golf course in my life," she relayed honestly.

Nasa kabila ang kanyang tingin, pinagmamasdan ang nadadaanan nilang mga malalayong puno at latag ng turf grass na matingkad ang pagkakaberde. Buhay na buhay tingnan lalo na't tirik na tirik ang araw. Tirik man ang araw, presko pa rin ang hangin sa ekta-ektaryang laki ng golf course dahil sa dami ng nakapaligid na mga puno. It also helped that the gold club they visited was located in an elevated landscape.

"That's why, I'll grab any chance just to here," lapad ng kanyang ngiti bago nagnakaw ng tingin dito.

Pagnamakaw na nangingiting nahuli ni Renante.

"That's all?"

"What?" pigil niya ang matawa. Nakangiti ang boyfriend niya pero bakit parang may paawa sa mga mata nito? "Get real!" alaska niya rito. "Hindi bagay sa'yo ang pagpapa-cute! So out of character!"

"Hindi rin bagay sa'yo ang nasa ganyang mood at palangiti. Nakakamiss ang pang-aaway mo sa akin."

His eyes returned on their way through the gold course.

"Ah, gan'on? Gusto mong lagi akong nagagalit? Is that why you keep breaking my heart in the past?" paniningkit ng mga mata niya rito.

Renante lifted a corner of his lips. "No. I just somehow liked it when you're mad. Because then, I'll have a reason to be sweet to you."

"You can be sweet to me without making me highblood, Renante," taas niya ng kilay rito.

"You're right. I can be now that you're allowing me too," ngiti nito sa kanya bago tinigil bigla ang cart. "This one's a good spot."

"Are we not going to start mula sa pinakaumpisa? Talagang sa gitna na tayo agad ng course magsisimula?" Pinanood ni Stacey ang pagpapatahimik ni Renante sa maliit na makina ng cart.

"Yes. Leisure lang naman itong gagawin natin. We're not doing some practice, competition or something. We'll just try out this thing."

"Well, it's surprising this golf club doesn't mind leaving us out here nang walang kasamang assistance or caddy."

Through Secrets UnveiledWhere stories live. Discover now