Chapter Forty-Seven - Square

1.4K 56 7
                                    

NAKAHIGA SI STACEY sa sofa nang tawagan si Kylie. Ipinaalam niya sa kaibigan kaninang umaga na alas-otso ay nakapag-clock out na siya sa trabaho niya sa VVatch at nasa loob na ng bahay, pero lumipas na ang isang oras ay hindi pa rin siya nito tinatawagan.

She sighed in relief when her call was immediately answered.

"Hello, Kylie," bungad niya agad dito.

"Hi... Stace," tila nahihiyang tugon naman ng babae sa natural na maliit nitong boses.

Kung siya ay nakahiga sa sofa sa tahimik na sala, si Kylie naman ay nakaupo sa harap ng desk nito. Nakalagay sa stand nito ang isang IPad na nasa screen ang isang art canvas na puno ng pencil sketches. Napapalumbaba ang babae nang tumigil sa pagdi-digital drawing para sagutin ang kanyang tawag.

"I hope I did not disturb you? Nagtanong ka kasi kanina kung anong oras ako pwedeng tawagan, so I was expecting you'd call at eight. Eh, baka nakalimutan mo kaya ako na ang tumawag.

Matamlay ang boses ng kanyang kaibigan. "I just want to talk about what happened last Saturday."

Sabi na nga ba, mapupunta kay Piccollo ang usapan nila.

"I'm as confused as you, Kylie. Hindi ko alam na pupuntahan ako ni Piccollo noong gabing iyon sa Port Vivienne."

"I already know what really happened. I just want to talk about it... about what I feel—what I think about it."

Napahinga siya nang malalim. "I'm here to listen."

"Noong gabing iyon, kitang-kita ko ang sobrang concern para sa iyo ni Piccollo. On the surface, I was showing him that I am very grateful, kasi gusto niyang tumulong sa paghahanap sa 'yo. But deep inside, I feel helpless. Tila sinampal ako ng katotohanan na never siya magiging concerned sa akin 'tulad ng ipinakita niya noong gabing iyon para sa 'yo."

Stacey started having so many questions in her mind. Pero mas pinili niyang manahimik muna. Hahayaan niya munang magkuwento si Kylie at magsasalita na lamang siya kapag tapos na ito. Kaya lang, tumagal ang pananahimik nito sa kabilang-linya kaya nagsalita na siya.

"Kylie?"

She suddenly heard her friend sniffling. Nag-alala tuloy siya.

"Kylie?"

"I'm sorry..." garalgal ng boses nito. "I... I just don't know what to do or say..." Hirap na hirap ito sa pagsasalita, na para bang may nakabara sa lalamunan kaya nalulunok imbes na nailalabas ang maliit nitong boses. "Should I ask what he loves about you and be like that? Or should I beg you to give him to me when I know that's not possible because you are already with Renante?"

Napapikit siya. "I'll talk to him, Kylie. I'll talk to Piccollo, don't worry."

"Please, don't. He doesn't even know about my feelings yet."

"I'll tell him one last time to stay away from me, just promise that you'll tell him what you really feel for him."

"But Stacey—"

Iminulat niya ang mga mata na puno ng determinasyon.

"You have to say it, Kylie! You have to show him what you feel if you want him to see you not just a friend but as a potential lover! Naiintindihan mo ba? Hindi ka pa ba natuto sa akin? Sa mga pinagdaanan ko?"

Doon na kumawala ang mahina nitong mga hikbi.

"Listen to me," mariin niyang wika. "Kakausapin ko siya at sisiguraduhing hindi niya maikokonekta sa iyo at sa pagkakaroon mo ng feelings para sa kanya ang mga pag-uusapan namin. Maliwanag? So, do your best. Make him fall for you really hard!"

Through Secrets UnveiledWhere stories live. Discover now