Chapter Forty-Nine - Sturdy Desk

2.1K 61 7
                                    

OF ALL THE PEOPLE, why Pierre? Renante frowned at the thought while sitting on the floor and assembling his white minimalist desk at the bedroom.

'Of all the people, why Pierre?' Ronnie thought nervously but with a serious poker face while he was quickly wiping the beige leather sofa in the living room.

Nasa kusina naman si Stacey at pinupunasan ang may kaliitang dining table na gawa sa salamin at bakal. She looked fine but deep inside, she kept praying that things would go according to her plan.

Bumukas ang pinto mula sa banyo na konektado sa bedroom kaya nag-angat ng tingin si Renante. Nakita niyang lumabas mula roon si Pierre na bagong bihis. Pinahiram niya kasi ito ng damit para makakilos nang maayos.

Pierre reappeared wearing his gray garter shorts and blue T-shirt. Pinasadahan niya ito saglit ng tingin at ginawaran naman siya ng lalaki ng paling na ngiti.

So, he's Stacey's friend now, paniningkit ng kanyang mga mata kay Pierre na palapit sa kanyang direksiyon.

"I hope you don't mind, iniwan ko sa tabi ng sink sa bathroom iyong mga damit ko. Para mamaya hindi ko na hahagilapin kapag susuotin ko na uli," anito sa kanya bago ininspeksiyon ng mga mata ang ina-assemble niyang desk. "Isn't that desk too small?"

"It saves space. Tama na ito para sa laptop ko," balik ni Renante ng tingin sa ginagawa.

Pierre placed his hands on his knees to get a better look at the desk. Buo na ito. Ini-screw na lang ni Renante ang mga dapat i-screw.

"But you're in wristwatch business. Don't you need more space for your prototypes? Or at least, a working table for your future designs?"

"No need," tipid niyang sagot bago bumalik sa kanyang iniisip.

How can they be friends if they only see each other during work hours?

Unless...

Nilingon niya si Pierre at tiningnan nang masama. Nagtaka tuloy ito kaya kumunot ang noo at tumaas ang isang kilay.

"What?" Pierre asked that got him taken off-guard.

Napaiwas tuloy siya ng tingin dito. Bahagyang iniyuko ni Renante ang ulo at tinapos ang pag-i-screw bago dumampot ng isa pang screw at inasikaso ang kabilang bahagi ng desk.

A few seconds later, he mumbled, "Paano ka napapayag ni Stacey na tumulong dito?"

Ito naman ang tila na-off guard. Nahihiyang nag-iwas ito ng tingin, tila may hinanap ang mga mata sa paligid bago sumagot.

"Ang akala kasi ni Stacey, tropa-tropa pa rin kami ni Ronnie."

Pierre sounded uncertain. He spoke slowly as if he was thinking of the next words to say. Pero binalewala na lang iyon ni Renante kasi wala naman siya naiisip na iba pang dahilan para i-invalidate ang sagot ni Pierre sa kanyang tanong. He was really clueless why he had to be here.

"Kaya um-oo ka noong pinapunta ka niya rito?" salubong ng mga kilay niya habang nasa ginagawa ang tingin.

"Hindi ko alam na dito ang punta ko," halos pabulong nitong sagot.

Natigilan si Renante.

Is he being serious?

"Ang sabi niya, may kaibigan siya na gusto makipag-collaborate sa Gallardo's. That explains why I am very dressed up."

Through Secrets UnveiledWhere stories live. Discover now