Chapter Fifty-Seven - Time Left

1.8K 62 5
                                    

TAPOS na ang last day ng Christmas Bazaar. Mag-a-ala-una na ng madaling araw ay nasa booth pa rin sina Renante at Stacey. Halos maghahatinggabi na nang tuluyang naisara ang mga pinto ng venue dahil sa dami ng customer na natagalan pa bago umalis. Kaya naman ganitong oras ay nagliligpit pa ang mga seller ng mga gamit. Malinis na ang booth ng ilan at nakaalis na rin. At sila na naiwan ay tahimik na pinapaspasan ang kilos.

Ineempake na ni Renante ang mga natirang paninda sa loob ng mga kahon na secured ng styrofoam sa loob. Saglit siyang tumigil sa pagkilos at mataman na tinitigan si Stacey. She was on the other side of the table that served as the counter between the inner part of the booth and the side for the customers. His eyes followed every direction that her narrow hips pointed to, then his eyes slid down to caress the length of her tight jeans. Nag-angat siya ng tingin at pinagmasdan ang bahagyang pag-bob ng buhok ng dalaga na nakalugay at itim na itim na ang kulay. He looked at her fierce face—those well-trimmed brows, sharp eyes, and red lips. Nahigit niya ang paghinga sa sobrang paghanga sa dalaga. It wasn’t just how she beautiful she looked, but because he could see the quiet determination on her face, the sparkling of dimmed lights against her brown eyes.

Natigilan si Stacey sa maingat nitong pagtanggal sa nakapatay na Christmas lights na nakabilitin sa board signage nang mapansing nakatitig siya. Nagtatakang inihilig nito ang ulo bago natatawang kinawayan siya.

“Hey. Bakit nakatitig ka nang ganyan?”

Awtomatikong napangiti siya nang makita ang malaking pagkakangiti ng mga labi nito . . . ng mga labi ng babaeng mahal na mahal niya.

“Huy. Renante!” usig uli nito sa kanya na natulala na pala. “Ano na?”

Mahina siyang natawa. “Wala. Tapusin mo na iyang ginagawa mo.”

Napasimangot ito at pinamewangan siya. “Dali na. Sabihin mo na. Ano ’yon?”

He didn’t know what to answer. He had no reason why he decided to stare at her. He just found himself staring . . . at loss for words, and captivated by the very sight of her. His heart is happy. He just looked at her, because he just did and he would always stop whatever he was doing the moment his eyes see her.

Pero nag-isip na lang siya ng palusot, para hindi mag-overthink ang dalaga sa kanyang ginawa. “We sold a lot of watches, not just in this bazaar, but also in our online shop. Now, we have some spare budget to throw a Christmas party with everyone at VVatch. Puwede rin natin yayain sina Pierre sa Gallardo’s.”

Kahit na ayoko pa rin kung paano makatitig ang lalaking ’yon sa ’yo, Stacey.

Lumapit ito sa kanya habang malapad ang pagkakangiti.  “That sounds really nice. Pero, baka naman magka-problem uli sa finances ng VVatch. Remember, ngayon pa lang tato bumabawi.”

He chuckled lowly. “It will be my treat.”

Namilog ang mga mata nito. She beamed like a child who thought she saw the real Santa Claus. “Really?” she gasped.

Pumaling ang ngiti ni Renante. Mapapasubo pa yata ako . . .

He reluctantly nodded. Here goes the ‘playing safe’ Renante again!

Stacey excited clasped her hands. “Wow! Siguradong matutuwa ang lahat sa pa-treat mo!” Nilingon nito saglit ang naiwang gawain bago ibinalik ang tingin sa kanya. “Let’s talk about that in the car. Hm? Sa ngayon, tapusin na natin ang pagpa-pack up. Gusto ko nang magpahinga.”

“Oh, of course. Go ahead,” he waved a hand to let her leave. Pagkatapos, tahimik nilang tinapos ang pagliligpit ng mga gamit.

Nang matapos sa pagliligpit, nagpaalam na sila sa ilan sa mga naiwang seller, lalo na roon sa nakapalagayan nila ng loob noong kasagsagan ng bazaar. Kinawayan din nila ang isa sa mga guard ma nakabantay sa pinto na tumulong din sa pagbitbit ng kanilang mga gamit patungo sa parking lot. Umalis lang ito nang mailagay na ang mga gamit sa loob ng magkatabing kotse nina Stacey at Renante.

Through Secrets UnveiledWhere stories live. Discover now