"Okay."

"Let's go. Patrice is waiting for us in the cafeteria." yaya nito at sabay holding hands.

"Kanina pa ba siya ?"

Alam ko naka-ilang texts at call na ang best friend ko sakin pero hindi ko nga masagot at mareplyan because of the school works.

"Not really. Pero nagrereklamo dahil hindi ka daw marunong magreply."

Na ikinatawa naming dalawa.

We're heading to the cafeteria ng may humarang samin.

Lalaki. May dalang notes and algebra book.

Napasimangot si James sakin. Alam na kasi niya ang ibig sabihin nun.

He was tall, parang rockstar, at malakas ang appeal.

I know him by name. Paul. Isa sa mga nagpapatulong sakin sa math.

Nagugulat na lang talaga ako minsan dahil basta-basta na lang sila lalapit sakin. Yung tipong susulpot na lang.

Minsan nakakainis rin because I want to concentrate on what I'm doing but I can't. I'm sorry for the word but I find it distracting most of the time. Hindi lang naman sila ang pwede kong intindihin. I also have my own things to do.

Pero hindi naman ako pinalaki nila mommy na isnabera. I'm always helpful to others. I always try to help them. Even though na, istorbo talaga sila.

Katulad ngayon.

"I'm sorry, Celine. But I really need your help. Kailangan ko kasing pumasa sa quiz namin mamaya. Can you help me with this ?" at naitaas pa ang libro.

Ngumiti ako. Napisil ni James ang kamay ko. I know iritado na siya. Eh ikaw ba naman istorbohin sa moment niyong dalawa eh.

"Actually, I didn't eat yet. So, can I eat first ? Meet me at the cafeteria after 15 minutes. May pag-uusapan din kasi kami ni James and kararating ko lang."

Suddenly, he looked sorry. Nalingon niya si James.

"Pare. I'm sorry ha. Naistorbo ko kayo ni Celine. It's just that, siya lang ang makakatulong sakin right now. I really need this quiz eh." paliwanag ni Paul.

"I understand." labas sa ilong na sabi ni James. Gusto kong matawa.

Alam kong, nagseselos na naman to.

"O sige, I'll go to the cateferia after 15 minutes. Thanks Celine." at lumayo na si Paul, to give us time.

Napailing si James.

"Hay .. Ang hirap talaga kapag dean's lister ang girlfriend."

"Bakit, nagsisisi ka na ba ? You want to back out ?"

Hinarap niya ako. At pinisil ang baba ko.

"No. Never. I don't want to lose you. I love you so much, honey."

Ngumiti ako. So sweet. Gusto kong matunaw.

"I love you too. Let's go. Gutom na ako." at hinila ko na siya papuntang cafeteria.

A lot of work in this early morning.

I'm Janelle Celine De Asis, 4th year student na sa pinakamalaking university sa Pinas. I'm taking up BSBA major in management accounting. Graduating na kaya, busy na talaga. Yung kasama ko, yung kanina ko pang kinukwento, si James Torres, boyfriend ko. Ang mahal ko. Lalaking hinahabol ng mga babae dahil masyadong charming. Tsk. Tsk. Ayoko na ngang magselos. :-/

Sabi nila, I'm so bubbly daw, at super down to earth even though na, isa kami sa mga mayayamang pamilya sa bansa, at may hawak ng malaking finance business not only here, but also in US.

Ayoko naman kasing tumulad sa ibang anak mayamaan na mataas ang ere, na matapobre, na masama ang ugali. Hindi ako ganon pinalaki ni mommy and daddy.

I always want to put my feet on the ground.

Kaya naman marami rin akong friends. From school, to US, to charities. Hindi ko na mabilang. But I was so glad to have them.

Since I was young, I considered myself as the luckiest person on earth.

I have two loving and supportive parents. Even though na business people sila at super busy, never nilang namiss ang bawat meeting ng school when I was still in grade school and high school. Pati mga awardings, laging present sila mommy and daddy. They always find time for me. Hindi sila nawalan ng time unlike other business men and women na may anak. Kaya sobrang swerte ko.

May bestfriend din ako na super mahal na mahal ko. Nag-iisang anak lang kasi ako so Patrice will always be my sister. Lagi kaming magkasama, kahit saan. Lagi kaming nagba-bonding, kung hindi sa condo ko, sa condo niya. We have a lot of things in common. Kaya sobrang nagkakasundo kami. Kapag may tampo ako o siya, lambing lang yan, okay na kami. Ganon kaming dalawa. :)

At may boyfriend naman akong mahal na mahal ako. Si James, heartthrob tennis player, na habulin man ng babae, lagi niya pa ring pinapatunayan sakin na ako lang ang mahal niya. I'm always thankful to God for giving me such a great guy who loves me so much. First boyfriend ko si James. Nagsisimula pa lang kami, pero masaya ako sa kanya. Gusto ko siyang laging nakikita at nakakasama.

Dean's lister din ako. Kaya nga, laging may sumusulpot na mga students para magpaturo sakin. Mas madali daw kasi nilang naiintindihan ang isang lesosn kapag ako ang nage-explain. Sabi nga ng iba, bakit hindi na lang daw ako maging professor. Pero hindi ko interes ang magturo. Business ang gusto kong hawakan, at ituro.

Blessing yun  sakin ni God na kailangan kong gamitin sa tama, palagi. :) Well, lagi ko namang ginagawa yun.

Lastly, I was a part time model. Isa sa mga pangarap ko ang pagmomodel simula nung bata pa lang ako. May friend kasi si mommy na photographer. Nung second year high school pa lang ako, nakita niya ako. And dun nag-start. Gusto nga niya, mag-full time model na lang daw ako. Pero hindi na talaga kaya ng schedule ko eh. Pero kahit sobrang fully loaded ng sched ko, dahil gustong-gusto ko ang modelling, I always fine time for it. Kahit mahirap, gaya nga ng sabi nila, kung gusto mo talaga, laging may paraan.

I was so blessed with everything.

Wala na siguro akong mahihiling pa.

You Are Mine (Published Under LIB)Where stories live. Discover now