EPILOGUE

4.9K 256 168
                                    

"Ate!"

Hindi pa ako tuluyang nakakaayos ng upo sa mahabang sofa ay tinakbo na ako ni Rila para yakapin.

"Ate . . ." Nagsimula na siyang umiyak sa hindi ko masabinh dahilan.

Ang alam ko lang medyo mainit ang pakiramdam ko at may pagkirot na nararamdaman sa ulo. But I can move, I can speak, I can understand her. Basically, hindi ako patay. Nakikita nga nila ako.

"Bakit ka umiiyak?" Pinilit kong ilayo ang bunsong kapatid da katawan para makita ang mukha niyang namumula.

"Akala ko kasi hindi ka na magigising." Humagulgol na naman siya na parang tatlong gulang na taon pa lang. "Kagabi, ang taas ng lagnat mo. Tinatawag mo pa si Mama at Papa habang umiiyak. Sinusundo ka na ata nila, Ate."

Sinubukan kong pigilan na matawa sa sinabi niya dahil umiiyak siya pero bigo ako.

"Ate!" bulalas ng bata. "Huwag kang tumawa, seryoso ako."

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at marahan na pinunasan. "Ano ka ba. Bakit naman ako susunduin ni Mama at Papa, e, matipid ang mga 'yon. Sa mahal ng gasolina ngayon? Malamang pag-commute-in ako no'n mag-isa."

"Ate naman!" Hinampas niya ang braso ko, himihikbi pa rin.

Mahina akong natawa muli habang inaayos ang buhok niyang unti-unting nagugulo at nababasa dahil sa pag-iyak.

"Tumahan ka na, Rila. Gising na ako. Buhay ako."

"Hindi ko kasi alam, Ate. Paano kung hindi ka na nga gumising? Sino na ang maiiwan sa 'min ni Kuya? Wala na kaming Mama at Papa, mawawalan pa kami ng Ate." Her lips trembled.

"Paano kami magsisimula kapag nawala ka? Paano kami magpapatuloy nang wala ka?"

"Hay, ano ba naman 'tong batang 'to." Kagagaling ko lang sa iyakan, pinaiiyak na naman ako. Buong kuwentong iyakan ba 'to? My God! I demand an edit and revisions.

"Hindi ako mawawala. Sabi mo, magiging doktor ka pa. Si Kuya mo naman, magiging pulis. Sino ang sasama sa inyo sa stage kung mawawala ako? Kaya bawal ako mawala."

She pouted. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kalambot, maldita kasi 'to madalas.

"Pero paulit-ulit mong sinasabi kagabi . . . Sabi mo, pagod na pagod ka n-na." Nabasag ang boses niya. "Ate . . . Pagod ka na rin ba sa 'min?"

Tumingala ako para paatrasin naman ang ilang luha dahil baka maubusan ako ng tubig sa katawan. Ito ang ikamamatay ko.

"P-Pagod ka na ba maging Ate sa amin?" Inulit pa nga.

I breathed my deepest yet. "Puwede. Puwedeng pagod na nga ako, Rila. Pagod na 'ko sa trabaho, pagod na 'ko sa mga gawaing bahay, pagod na 'ko sa buhay na mayroon tayo sa ngayon. Puwedeng pagod na ako magig Ate . . . minsan. Wala namang tao na hindi napapagod, Rila. Pero alam mo kung ano ang hindi ko kayang gawin? Sumuko. Puwedeng pagod na 'ko, pero hinding-hindi ko kayo susukuan ng Kuya mo. Kasi si Mama at Papa nga, hindi ako sinukuan. Hanggang huling hininga ko, magiging Ate niyo ako." I smiled and wiped his newly shed tears. "Hmm?"

She nodded. "I-I love you, Ate."

"Payakap nga ulit." I opened my arms and without a second thought, she embraced me. "Hinding-hindi ko kayo iiwan. Hinding-hindi ko kaya ipagpalit."

HIGH SCHOOL REPLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon