Chapter 16

2.1K 138 58
                                    

Manhid!

Malamang mahal ka niya, alangan namang mahal ka ng Ate niya, e, hindi nga boto 'yon sa 'yo. Hay, nako, self. Kung maaari lang sana kitang sampalin sa harapan niya para magising ka, ginawa ko na.

Iyon ang unang pagbisita ni Jay sa bahay, iyon na rin ang huli. Hindi na mauulit—hindi na ako pumayag na maulit. Ang daming nangyari. Wala pa siyang isang oras sa bahay namin, gusto ko na siyang pauwiin.

"Your parents are looking at us," aniya. "Move a little farther." Pansin ko na talaga na conscious siya kanina pa. Ngayon ko lang nalaman kung bakit.

"Nasaan?" My voice toned down.

He just glanced at the side where our door is—nang hindi lumilingon mismo doon. Ako ang bumaling sa pintuan. Naroon ay nakasilip ang mga ulo ni Mama at Papa.

"Ano ang ginagawa niyo?" I mouthed.

"Guwapo," ani Mama nang walang boses. Nag-thumbs up pa siya.

"Huwag mo muna 'yan sasagutin," si Papa. He motioned 'I am watching'. Iyon ay matapos palakihin ang mga mata.

Gumalaw ang kamay ko para itaboy sila at papasukin na sa loob. Hindi mapanatag ang lalaki sa tabi ko dahil sa kanila.

"Mag-aral ka," bulong pa ni Mama bago isarado ang pintuan.

Napakawalan ko lang ang isang malalim na buntong hininga nang makapasok na sila sa loob. Akala ko matatapos na ro'n ang lahat. Pero lumabas ang kapatid ko. Nasa loob pa lang ng tiyan ni Mama si Rila.

"Kuya, kanan o kaliwa?" tanong ng anim na taon kong kapatid, si Hans.

"Hans, pumasok ka na sa loob, nag-aaral kami rito."

"It's okay," si Jay. "Mukhang mabait naman—"

"Kaliwa!" Tumatawang sinampal ni Hans ang kaliwang pisngi ni Jay. Marahan lang naman iyon ngunit may watercolor ang palad niya.

"Hans!" sita ko. "Mama, si Hans!"

Pumasok lang ako sandali sa loob ng bahay para tawagin si Mama, pagkalabas ko. Kinakagat na niya ang braso ni Jay.

"Hans, pumarine ka nga sa loob. Huwag mong kagatin ang manliligaw ng Ate mo. Nag-iisa na nga lang 'yan."

Medyo na-offend ako sa sinabi ni Papa. Para bang sobrang alala niya na mawala pa si Jay, dahil wala ng iba na magtatangka pa sa akin.

"Papa, maglalaro kami ni Kuya," anang bata.

"Mag-aaral sila ng Ate mo. Pumasok ka sa loob, halika at mag-aral din tayo." Napilitan na si Papa na hitakin mula kay Jay si Hans. Nakakapit pa siya sa shirt ni Jay kaya halos mahubaran ito nang hilahin ni Papa palayo.

Everything was chaotic. Wala akong ibang naalala sa mga binasa kung hindi iyong palayaw ni Rizal. Pepe.

"I'm sorry," ani ko sa lalaki.

"Sorry sa parents at sa kapatid ko last time. Ganoon lang talaga ang personality ng pamilya namin. Magulo."

September 2, Saturday. Sa bahay naman kami nila Jay nagbasa at gumawa ng buod.

"It's okay. Your parents were so welcoming. Sobrang maasikaso nila. I am sure they just wanted me to feel at home."

Hinawakan ko ang batok, nahihiya pa rin sa lahat ng nangyari noong nakaraang linggo. "Kinagat ka pa ni Hans."

He grinned. "For a day, I felt like I had a brother. It made sense why God didn't give me one when I kept asking for a younger sibling."

"Kasi makulit?"

HIGH SCHOOL REPLAYWhere stories live. Discover now