Chapter 24

2.8K 166 20
                                    

Tick. . . Tock . . . Tick . . . Tock . . .

Natanong mo na ba ang sarili kung bakit ganoon ang tunog ng orasan?

Bakit hindi puwedeng Tikitiktik . . . Tikitikitik o kung kaya naman Tananananan . . . Tananananan? Kung tuusin, maraming tunog na puwedeng pagpilian. Pero nauwi tayo sa tipid na tick at tock.

Kumurap ka lang, nakalipas na ang dalawang tunog. Huminga ka lang, hindi mo na namalayan kung ilan na bang tick o tock ang lumipas.

Sa tingin ko, alam ko na kung bakit.

Matalino ka kung ang naisip mo na dahil ito sa estruktura ng orasan o nakadepende ito sa uri nito. Pero dahil hindi ako matalino, iba ang sagot na nakuha ko.

Isang pantig lang ang parehong salita, nagsasalisihan sa pagkanta sa bawat segundong papatak. Mabilis, hindi mapigilan, at magpapatuloy kahit hindi ka pa handa.

Parang oras . . .

Lilipas kahit gusto mong bumagal. Tatakbo kahit pagod ka nang sumabay. Magpapatuloy kahit may gusto kang balikan.

Mabilis . . . parang tick . . . tock . . . tick . . . tock.

Sa bawat tick-tock na lumilipas, maraming nangyayari. Isang segundo nakangiti ka, sa sumunod na segundo, lumuluha ka na. Isang segundong pagitan.

Sa mga tick-tock na lumilipas, marami kang pinagsisihan, marami kang gustong baguhin, at marami kang gustong itama at muling subukan.

Pero hindi na iikot pabalik ang orasan.

Magpapatuloy 'yan. Tick . . . tock . . . tick . . . tock . . . tick . . . tock. At bago mo pa mamalayan, ang mga momento ay alaala na lang.

I have so many regrets in life, things that I wanted to do and experience again. I miss worrying about the things that aren't too heavy for me to keep my pillows dry.

I probably wanted a different life from what I am living today. And I'm so close to having that dream. I will be able to live without the endless tiredness, keep someone I love, and escape the responsibilities I have.

But why am I here trying to fall asleep instead?

Because those things and people who pain me are the things that kept me alive.

"Hans, Rila, uuwi na si Ate." I decided to close my eyes after staring at the door where my parents left for a long time.

Kailangan ako ng mga kapatid ko. I can't leave them hanging. I won't live a life void of meaning. Even if I am given a chance to start again, I will always want to start over with them.

"Kaya ko naman kahil wala sila Mama. Kaya ko kahit wala siya . . ."

Si Jay. . . Hindi ko siya kayang nakawin sa pamilya niya. Kailangan niya siya ng asawa niya, anak niya, at ng mga taong nangangapa ng hustisya.

He is more than my greatest love and I am more than his first kiss.

We are more than what we were in the past.

"Kailangan namin umuwi." I pressed my eyes hard.

Beep

Nasa bingid na ako ng antok nang biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng unan. Kinuha ko iyon at tinignan and dahilan ng tunog.

11:30 p.m.
From: Jay
Are you already sleeping? I'm outside your house.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang mabasa 'yon. Umayos ako ng upo sa kama bago hinarap ang katabing bintana. Hinawi ko ang kurtina at natanaw ang binata.

HIGH SCHOOL REPLAYWhere stories live. Discover now