Chapter 19

2K 160 27
                                    

"Jacob, bakit nakapaa ka?"

Si Papa ang nagbukas ng gate para sa amin. Una niyang napansin ang mga paa ni Jay na walang saplot. Nasagot niya ang sariling tanong nang makitang hawak ng lalaki ang takong ko, sapatos niya kasi ang suot ko.

Hinubad ko na ang sapatos niya na suot ka upang hindi na siya nakayapak.

My father smiled before looking back at the guy beside me. "Salamat sa pag-aalaga sa anak ko, Jacob, ha."

Sinuklian ni Jay ang init ng pasasalamat niya. "Salamat po sa pagpapaunlak na maging kapareha ng anak niyo." He paused. "Salamat po sa pagtitiwala, Mr. Alejo."

Napasinghap si Papa. "Para ka namang naiiba nang naiiba sa akin, Jacob. Tito na lang." Tumawa siya. "Baka nga sa susunod . . . Papa na." He glanced at me playfully.

"Pa! May Papa siya, 'no. Huwag kang papapel," biro ko.

"O, bakit? Ano naman kung may Papa na siya? The more, the merrier." He laughed again. "Pumasok ka muna sa loob, Jacob. Magmiryenda ka muna."

"Hindi na po, Tito. Gabi na rin po kasi, baka mag-alala na si Mom sa akin. Ihinatid ko lang po si Pia."

"Ganoon ba?" Luminga si Papa sa paligid. "Wala ka bang sasakyan?" Nasagot niya ulit ang tanong nang wala siyang makita. "Bakit naman kayo ay naglakad pa? Pia, sinabihan kita na kung wala kayong masasakyan ay makitawag ka kay Yna—"

"Tito, suhestiyon ko po na maglakad na lang kami," si Jay. "I wanted to spend more time with Pia. So I asked her to walk. Please don't feel bad."

Pagtango na lang ang nagawa ni Papa. "Ganiyan na ganiyan ako sa 'yo noong kabataan ko."

I made a puking sound. "Pasensiya ka na, Jay—cob, Jacob. Nanaginip talaga si Papa nang gising."

"Hoy, nagsasabi ako ng totoo, Pia. Wala ka sa mundo kung hindi ako guwapo at nahumaling ang Mama mo sa akin."

Jay chuckled. "Now I know where Pia got her personality," he said. "Tito, as much as I wanted this conversation to go further, I really have to go. Babawi po ako sa ibang araw."

"O, siya. Ano pa nga ba? Baka nag-aalala na ang mga magulang mo sa 'yo. Salamat ulit sa pagtitiyaga sa anak ko, ha."

"Papa. Para namang pasaway akong bata."

"Walang anuman po." Jay looked at me after taking my father's hand and placing it on his forehead. We conversed through eyes. "Una na po ako."

"Mag-ingat ka, Jay—cob, Jaycob." Palagi na lang akong nadudulas.

He already turned his back when he seemed to remember something. "Tito."

"Oy."

"Hindi ko po alam kung pareho lang ang iniisip ng lahat ng Tatay. But just in case you feel like you're not doing good as a father, know that everyone can see how well you raised your child. I look up to you."

Umawang ang labi ko.

That were the exact words my father wanted to hear before he died, but I wasn't able to say them. And Jay just effortlessly told him that?

OMG! Is this the changes Lola Elisa was talking about? Na posibleng may mabago dahil sa mga ginagawa ko na hindi naman nangyari noon. Kung ganoon, ano pa ang puwedeng magbago?

Natulala si Papa sa lalaki. His lips slowly unveiled and a genuine smile arose. Kahit nang makatalikod na ulit si Jay at naglakad palayo, nakatanaw pa rin si Papa.

"Jacob! Hintayin ko ako, ihahatid na kita!" Nagmadali si Papa na kuhain ang tricycle para sundan si Jacob. I just watched it happen in a blink of an eye.

HIGH SCHOOL REPLAYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant