Chapter 5

2.9K 147 22
                                    

Nangyari nga ang lahat ng nakasulat sa diary ko. Muntik na kaming makahabol, pero na-late pa rin kami. At totoo nga na dumaan si Jay sa harapan namin. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi ko isinulat ang tungkol kay Gwen.

Pambihira. Niloloko ko na pala ang sarili ko noon pa man.

All the happenings lead to one truth now. This is no longer a dream. Am I really in the past?

"Kung gano'n, kailangan na naman natin bumalik sa simula."

"Simula ng ano?" si Yna.

Simula ng kuwento.

Kuwento ng buhay high school ko . . .

"Alejo, Sophia Joy Cruz."

Nagsimula ang lahat sa isang pagtatapos.

Ironic.

Pero totoo nga ang sinasabi nilang, 'The end of something is a beginning of one.'

"Anak nina Ginoong Simeon at Ginang Cecilia Alejo. Most Helpful."

Nagtapos ako ng elementarya na wala ni isang medalya. Iba pa ang curriculum no'n. Walang With Honor, With High Honor, at With Highest Honor. Pero mayroong top ten, sampu lang ang pinipili sa bawat star section. Lumalagpas lang ang bilang kapag may nag-tie.

Ito 'yung mga panahon na May section A, B, C pa. Kapag section A ka raw, matalino ka. Kapag section B ka, nasa gitna ka ng dalawa, hindi ka matalino pero hindi ka rin mahina, at kapag nasa section C ka, ibig sabihin kailangan kang bantayan nang masinsin.

"Anong section ka, Pia? Mag-e-enroll pa lang kasi ako mamaya. Dapat magkaklase tayo," si Yna. Nahuli siyang mag-enroll dahil nagbakasyon pa sa Bicol.

"Section A."

Hindi ako matalino, malayo ako sa taong masipag. Pero napunta ako sa section A. Kasi naman, akala ko by surname ang section. Alejo = A, iyon ang logic ko.

Hindi pala gano'n. Grades daw ang basihan kaya palaisipan pa rin sa akin kung paano akong natanggap sa first section.

Nang makita ko na ang quotation sa taas ng board namin, saka ako naliwanagan.

"Dream high, nothing is impossible."

Iyon din ang palaging sinasabi ng guro namin noong grade six. Mangarap ka lang, kahit gaano pa kataas, walang imposible.

Kaya siguro noong nag-enroll ako sa star section, hinayaan na lang ako.

But I regretted it immediately. Ang hirap pala makipagsabayan sa mga matatalino at masisipag. Hindi kasi ako pala-aral. Ako 'yung estudiyanteng palagi nakasilip sa bintana, hinihintay na tumunog na ang bell para makapag-recess.

"Alejo, Zaragosa . . ." Binasa ng school staff ang pangalan namin sa form. Tinitigan niya kami sa mata, nagdududa ata kung paano kaming naka-graduate. "First year?"

"Opo."

Sabay na kaming nag-enroll ni Yna sa Barangay High School. Sabik na sabik kami noon makaalis sa elementarya. Naisip kasi namin na dahil nga magiging high scholl na kami, lalaki na ang baon namin.

HIGH SCHOOL REPLAYUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum