Chapter 20

2.2K 129 14
                                    

"Sison, Jerome."

"Sibuya, Rufina."

"And . . . Zaragosa, Kalyna." Binanggit ng guro ang huling tatlong pangalan sa listahan ng mga magtatapos.

Kung kasama ako, dapat kanina pa ako nabanggit. Alejo, ako dapat ang una. Ngunit nakaabot na sa dulo ay hindi ko pa rin narinig ang pangalan.

"Ma'am, mayroon po ata kayong nalampasan," sambit ng isang kaklase.

"Wala naman. Ito na ang huling pahina ng listahan. May hindi ba ako nabanggit?"

Tumungo ako. Nanliliit ako bigla. Kailangan ko pa ba mag-summer classes? Iyon ang nasa naisip ko habang lahat sila ay naaawang tumingin sa akin.

"Si Pia po, Ma'am." Tumayo si Yna. "Pasado siya sa lahat ng subject kaya dapat kasabay namin siyang magmamartsa."

Sumunod na tumayo si Kimberly. "Kung hindi magmamartsa si Pia sa graduation, hindi rin kami magmamartsa."

"Tama, Ma'am. Para saan pa at isang section kami?" si Victoria.

Gusto kong maluha noong mga oras na 'yon. Isa-isa kasi silang nagtayuan para iproklama na kung hindi ako makakasabay sa kanila sa graduation, walang ga-graduate sa amin sa Marso, sabay-sabay kami sa Oktubre.

"Sophia Joy, right?" tanong ng guro.

Tumango ako. Pinasadahan niya ulit ang ilang piraso ng mga papel. Nang biglang manlaki ang mga mata niya ay nabuhayan ako ng loob.

"You're here, anak," aniya. "I'm sorry. I missed your name—pero bakit kasi Silvestre ang apelyido mo rito?" tanong niya.

Nagtinginan muli ang lahat sa akin, pero hindi awa ang nasa mukha nila . . . panghuhusga.

"Hehe."

Bakit nga ba . . .

"Mayroon na bang piraso ng papel ang lahat?" tanong ng guro sa harapan.

"Yes, Ma'am. "

"Ngayon, sa papel na 'yan isulat niyo ang pangalan at pangarap niyo. Isulat niyo rin ang inspirational quote na ilalagay niyo sa yearbook," anito. "Naiintindihan ba?"

"Opo!"

Kinabahan pa kami. Akala namin ay may pahabol pang quiz si Ma'am kung kailan tapos na ang computation ng grades. Pangalan lang pala at pangarap. Ilagay ko kaya si Jay? Biro lang.

Nag-isip muna ako ng quote. Ang tagal kong pinagdesisyunan, sa 'Time is Gold' din pala ako mauuwi.

"Pia, nakatingin sa 'yo si Jay," ani Joey sa tabi ko. Nilingon ko ang lalaki at naabutan ang pag-iwas niya ng tingin. "Ang landi niyo," Joey snorted.

Hinuhuli ko ang mata ni Jay habang nagsusulat ng pangalan. Kung kaya nang ipapapasa na ni Ma'am, hindi ko na napansin ang isinulat ko.

"Gaga ka talaga!"

Nakatanggap ako ng sunod-sunod na batok sa mga kaklaseng malapit sa akin pagkatapos ko iyong ikuwento. Hindi ko naisip na magkakamali ako kahit sa sarili kong pangalan.

"Muntik na kaming hindi grumaduate sa kaharutan mo," ani Mylene.

"Sorry na, tao lang." Mas kinabahan nga ako. Malapit na akong maiyak kanina.

"Masiyado ka naman kasing advance mag-isip, Alejo. Mabuti na lamang at napansin ang pagkakamali mo rito, kung hindi, baka Silvestre ang apelyido mo sa graduation."

"Puwede naman, Ma'am," sabi ko.

Kinantiyawan nila akong lahat, ang iba ay gumawa ng mga tunog na kunwari ay nasusuka at nandidiri, samantalang si Jay ay tahimik na naiiling sa upuan niya at gustong matawa.

HIGH SCHOOL REPLAYWhere stories live. Discover now