Chapter 9

2.3K 150 25
                                    

"Nasa akin daw ang sagot," I snorted. "E, 'di sana hindi na ako nagtanong."

"Kaya nga tinanong ko dahil hindi ko alam." Nakahalukipkip na ako ngayong naglalakad pauwi.

Ang gulo talaga ni Lola Elisa. Pero kung may mas magulo rito, damdamin ko 'yon. I don't know if I'm happy or I'm troubled that this is happening. Totoo pala ang black magic? Fairy kaya si Lola?

Ang sabi niya, hindi ko na raw siya kailangan hanapin, dahil makikita ko siya kung kailan kailangan. She suggested that I read my diary to be prepared for the next days. Dahil nga hindi ko naman mapipigilan ang mga nangyari na, at least man lang ay maging handa ako.

Pero kulang-kulang kasi ang nakasulat sa diary ko. "Nasaan na nga ba 'yon?"

Inilipat ko sa harapan ang bag ko para mabuksan habang naglalakad.

"Ay, buntis!"

"Ate buntis!"

Wala pa man, may mga bata na nang-asar sa akin. Ganoon 'yong mga batang masarap paiyakin, kaso magsusumbong sa magulang.

"Gagawin niyo rin 'to kapag tumanda na kayo at inabutan kayo ng ulan sa daan." I rolled my eyes but they were just laughing.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang kinakapa ang notebook sa loob ng bag ko. Makalipas ang tatlong minuto, nakuha ko na ang diary.

Inayos ko muna ang bag bago binuklat ang kuwaderno. "July 14 . . . Let's see."

July 14. Monday

Dear Diary,
Alam mo ba, napakamalas ko ngayong araw. Late kasi kami nakapasok ni Yna sa first class namin dahil may naabutan kaming aksidente sa kalsada. Sinigawan at pinagalitan tuloy kami ni Ma'am Janette, teacher namin sa English. Pinalabas niya kami ng kuwarto at pinatayo sa harapan nang may nakapatong na libro. Nakakangawit siya pero okay lang! Dumaan lang naman si Jay sa harapan namin. Ang guwapo talaga, ang bango pa niya! Aaaaaa!

"Nabasa ko na 'to." I turned the page, unfazed. To only realize that it was ripped. May nakasulat din pala sa likuran na bigo kong makita kanina dahil nagmamadali ako.

"Siguro napunit 'yung sinulat ko tungkol kay Gwen." I concluded that after reading what I wrote at the back.

So continuation, nagpunta ako ng Science Garden dahil nakita ko na umiiyak si Rufina. May nagturo sa akin na nasa garden siya pero wala naman kaya naupo na lang ako sa swing. Biglang dumaan si Jay at ang nakakahiya, sumakto ang pagkaputol ng kadena ng swing sa pagtingin niya sa akin! Ahhh! Kahiya talaga! Nakaperfect nga pala ako sa Science—

Wala na. Putol na naman 'yon dahil napunit nga ang ibabang bahagi. "Ano pa kaya ang nakasulat?"

Habang mabagal na naglalakad ay pilit kong inaalala kung ano pa ang nangyari. Pero kung 'yung suweldo ko nga last month, hindi ko na malaman kung saan napunta, mga pangyayari pa kaya fifteen years ago?

"Bahala na." I'll just take a peek at the next page.

July 15. Tuesday

Bangs.

I closed the diary. Isang salita pa lang ang nababasa ko, isinara ko na iyon. "No way. Just no way." My lips parted. "Oh My Godddddd!"

I ran my way to home while ignoring the people feasting on me. Para na kasi akong kabayo sa bilis ko tumakbo, bukod sa hinubad ko ang mga sapatos at medyas para mas mapadali ang pag-uwi ko.

"Pia, nakauwi—"

Pinalihis ko si Mama sa pintuan namin. Nagulat siya, pero higit ang pag-aalala niya sa akin.

HIGH SCHOOL REPLAYWhere stories live. Discover now