Chapter 6

2.7K 147 18
                                    

"Tindig!"

Nasa harapan namin ang guro sa Physical Education. Siya ang sumisigaw ng dapat naming gawin.

Hindi ko na maalala kung nagturo na ba siya o hindi pa. Limot ko na ang basic stances!

"Tindig, Alejo!"

Na-mention pa nga ako. Sandali kong naipikit ang mga mata sa kahihiyan. Sinulyapan ko si Yna sa tabi pero kahit siya ay nangangapa sa gagawin.

"Anong nangyari at katuturo ko lang nito sa inyo noong Biyernes ay limot niyo na?" sermon ng guro.

Nagtunguan ang lahat. Oh, so nagturo na pala siya.

Sa alaala ko nga ay Biyernes ang P.E. namin dahil iyon ang araw na isinusuot namin ang shirt at pulang jogging pants. Pero bakit Lunes na Lunes at kung kailan nakapalda at slacks ang klase ay saka siya nagpapa-practical?

"Sinabihan ko rin kayo last meeting na magbaon kayo ng P.E. uniform dahil i-e-excuse ko kayo sa klase niyo sa EPP. Wala ni isang nakaalala o wala lang sumunod?"

Umikot ang mga mata ko sa mga kaklase. Wala 'to sa diary ko. Hindi ko tuloy alam kung bakit wala ni isa sa amin ang nagdala ng P.E. uniform. Puro Jay kasi ang alam ko noon!

Speaking of Jay, ang cool niyang tignan kapag may hawak na arnis.

"Handa!"

Kung hindi lang law ang natipuhan niya, sasabihin kong bagay ang military sa kaniya.

"Handa!"

Shooter, e. Nag-anak agad.

"Alejo, handa!"

Kung hindi pa ako hampasin ni Yna sa balikat ay hindi ko mapapansin na ako na lang ang hindi nagbabago ng posisyon.

Nahihiya ngunit mabilis kong ginaya ang posisyon nila. Kagat nila ang mga labi para pigilan ang paghagikgik.

Naagaw ni Jay ang paningin ko. Si Gwen ang kapareha niya pero kitang kita ko siya. He's so serious. But is he holding back his laugh?

I smiled. Lakas ng dating mo. Buwisit ka.

"Pugay!"

We bowed our heads at our partners. In fairness, lahat kami alam 'yon. Iyon lang din ang natandaan ko.

"Date tayo mamaya."

Muntik ko nang sagutin si Steph nang anyayahan niya ang kapareha na maglaro sa pisonet mamayang uwian.

I caught her winking at Peter. Napa-sign of the cross na lang ang lalaki.

Oo nga pala. Sa kaniya tayo huminto.

Sige, let's continue.

"Left temple!"

Sumunod ang lahat sa command ng guro. Ang mga dulo ng arnis, ngayon ay nasa gilid na ng kaliwang sentido.

"Ngayon ko lang napansin na maganda ang mga mata mo, Peter."

Hindi ko alam kung pang-ilan na si Peter sa mga nasabihan ni Stephanie ng parehong mga kataga.

HIGH SCHOOL REPLAYKde žijí příběhy. Začni objevovat