Chapter 2

3.5K 198 29
                                    

NOTE: Don't be shocked about the story's pacing. This is just a short story. I'm still hoping that you'll get to enjoy this. :)

"Sophia Joy, anak, ilang beses pa kitang tatawagin?"

Nakaupo na ako sa kama ko pero hindi pa rin mahinto si Mama sa pagsigaw. Tulala lang ako sa saradong pintuan na naghihiwalay sa amin.

Kumatok siyang muli, at dahil sa kalutangan, gumalaw ang mga balikat kong nagulat.

"Ihahanda ko na ang umagahan, sumunod ka na, Pia," ani Mama bago ko narinig ang palalayo niyang mga hakbang.

"Gago." I held my chest. "Ngayon lang ako nanaginip ng ganito ka-realistic. Infairness, ang astig."

Ito ba ang tinatawag nilang Lucid Dreaming? Iyong tulog ka at nananaginip lang pero gising ang diwa mo at hindi lingid sa kaalaman mong nananaginip ka lang?

Kinilabutan ako. "Katakot din pala. Parang ayaw ko na." I shook my head. "Baka hindi na ako magising. May dalawang kapatid pa 'kong umaasa sa 'kin. Bawal pa 'ko mamatay."

"OMG, Lord. Hindi pa ako puwede mamatay, ha. Hindi ko pa nga nakukuha ko 13th month pay ko. Hindi to puwede."

Kinabahan ako sa naisip kaya dali-dali akong humiga muli at nagkumot. "Kailangan ko lang matulog ulit. Pagkagising ko, nasa katotohanan na ulit ako."

I consoled myself with that thought and pressed my eyes tightly. "Tama, Pia. Go back to sleep and wake up, you'll be back in reality."

I tried to force myself to sleep by imagining random things because it always works but it was a failed attempt this time.

"Gago, hindi 'to puwede." I cried invisible tears.

"Isang tupa, dalawang tupa, tatlong tupa, apat na tupa, limang tupa, anim na tupa, pitong puta—"

"Ate!"

"Ay puta!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ng bata sa tapat ng kabubukas lang na pintuan. Napaupo akong muli at natigilan sa nakita.

Matayog ang sikat ng araw sa mukha ng batang lalaki dahilan upang mapako sa kaniya ang paningin ko.

"Ate, giting na itaw?" Gamit ang maliliit at mapulang mga paa, tumakbo siya palapit sa kama ko. Animo'y palagi niya iyong ginagawa dahil sanay na sanay na siya sa pag-akyat sa kutson.

My eyes glimmered immediately. Ang cute niya pa sa panahon na 'to.

"Ate, giting na itaw ni Hant." Umupo siya sa mga hita ko at yumakap. "Ud monin, Ate."

"G-Good morning, Hans." I patted his head. "Bulol ka pa sa panaginip na 'to. Pero ngayon, diretsong diretso na ang dila mong sagutin ako. Kaya mo na nga ako murahin."

"Mura, matama." Umiling siya. "Bad 'yon, Ate."

Ngumiti ako pero nanalaytay pa rin ang pagiging iyakin ko. May nakatakas na luha mula sa mata ko nang hawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"Ikaw, bad ka. Pinapaiyak mo si Ate," sambit ko sa nagtatampong boses.

He pouted. "No, Ate. Huwad itaw iyak." Pinunasan niya ang mga pisngi ko at ipinalupot ang maliliit na braso sa leeg. "Torry, Ate ko. Torry."

Ano ba naman 'to. Kahit sa panaginip, umiiyak ako. E, kasi naman. Gustong gusto ko itong mangyari sa kasalukuyan. Gusto kong yakapin ako ni Hans kung paano niya akong yakapin sa panaginip na 'to. Pero iba ang nagyayari.

"Kapag laki mo, Hans. Sana maintindihan mo si Ate kung bakit ka niya pinapagalitan. Sana maintindihan mo kung bakit ka niya pinagbabawalan. At sana, maintindihan mo rin na kailangan ni Ate ang tulong mo. Mahal na mahal ka ni Ate kahit hindi niya palaging sinasabi sa 'yo."

HIGH SCHOOL REPLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon