Chapter 15

2K 137 62
                                    

August 23, Wednesday. Fourth-year.

Dear Diary,
Pagkatapos ng tatlong taon, sa wakas! Fourth year na ako. Hindi ko inasahan na makakaabot ako sa huling taon. Muntik na kong humimlay sa trigo, buti na lang talaga mabait-bait pa ang mga teacher ko. Pero iba na raw ngayong last year namin. Strikto at hindi na basta-basta nadadala sa floor wax at patabang lupa. Good luck na lang talaga sa akin. Sana maka-graduate pa rin ako.

Oo nga pala, hindi ko na crush si Jay. Peksman. Cross my heart. Sa 'kin susi, sa 'yo padlock.

Ang totoo niyan, pikit-mata kong isinulat ang huling talata ng pahina na iyon. Muntik na umulan ng niyebe sa Pilipinas—mas posible pa nga ata ang snow kaysa ang makalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Jay.

Pero desidido ako. Sumumpa ako sa harap ni Mama at Papa na pag-araal ko na lang muna ang aasikasuhin ko.

Fourth year. Ito ang pinakamahabang taon ko sa high school. Maraming nangyari.

Nagmature naman ako, ang katawan ko. Nagkaroon din ako ng acne era, natapos ang baby bra phase, at nagdalaga na talaga.

Pinag-aralan ang arithmetic sequence.

Nagkaroon ng cellphone at nag-send ng GM texts sa random numbers.

Sumali sa open forum ng mga tupperware kong kaklase.

Nagkutilyon sa J.S. prom.

Pero bago ang lahat . . .

Bumagsak ako sa Filipino.

"Ms. Alejo, hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo. Halos gawin ko nang bonus ang lahat ng items sa exam ninyo, pero hindi ka pa rin umabot."

Nakatungo ako habang magkasiklop ang mga kamay sa harapan. Totoo nga na mas mahigpit na sila. Hindi ko na nadaan sa paawa.

"Unfair naman sa mga kaklase mo na nagsikap makapasa kung basta-basta na lang kita ipapasa."

Ang nakakahiya, naririnig ng buong klase ang mga sinasabi ng guro sa akin. But unlike the previous years, they are quiet this time. Siguro nga dahil nag-mature kami kahit papaano, nakikita namin na nagsisikap ang lahat.

Nagsikap naman ako, 'no. Hindi ko alam kung bakit bumagsak ako noon sa Filipino exam. At ang masakit, ako lang mag-isa. Gustong bumaba ng kumpiyansa ko, pero mataas naman ang pride ko. Balance lang.

"Kung gusto mo, mag-summer class ka na lang. May mga kaklase ka rin naman na bagsak sa ibang subjects. Sabay-sabay kayo."

"Ma'am," tutol ko. "Ayaw ko pong mahuli sa graduation," I said.

"Akala niyo ba ay nambabagsak lang kami dahil trip lang namin?" she asked. Higit na bumaba ang yuko ko. "Hangga't maaari ay ayaw namin ng bumabagsak. Dahil kung bagsak kayo, reflection iyon ng pagtuturo namin. Gusto namin na pumasa kayo lahat, pero hindi kami mga salamangkero."

Taga-record lang kami, kayo ang gumagawa ng grades niyo.

Kabisado ko na. Totoo naman.

I sighed before looking up at my teacher. "Ma'am, desidido po akong pumasa. Gusto ko po ng special project," I said . . . which shook everyone.

"Bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon. Kung mabibigo ko kayo, tatanggapin ko ang kapalaran ko na mag-summer class," I added.

Natigilan si Ma'am. It was as if she was really giving it a thought. O baka hindi lang siya makapaniwala na humingi ako ng special project.

"Sigurado ka ba? Ayos sa iyo kahit anong special project? Hindi naman ako maramot. Sa katunayan nga ay dalawa na ang napaunlakan ko sa special project na iyan. Pero sigurado ka ba na magpapasa ka?"

HIGH SCHOOL REPLAYWhere stories live. Discover now