Chapter 11

2K 130 19
                                    

"November 7, Friday, 11:00 A.M. I saw the most precious smile I've ever seen."

"Ayos. Mabuti pa 'yon, naalala mo. Iyong mission at vission ng school natin, mag-iisang taon mo na kinakabisa, hindi mo pa rin nai-recite," si Yna.

Walang araw na hindi niya hinadlangan ang pagpapantasya ko kay Jay. I hated her before for that. I was too young and naive to realize she was just protecting me. Pero hindi ako nakinig.

"Bakit pa kakabisaduhin 'yon, hindi naman sinasabuhay ng school." For aesthetic purposes lang. May masabi lang na mission at vision.

"Kabisaduhin mo pa rin. Doon na nga lang tayo babawi," she said as she lead our way to her favorite store.

May tindahan na paborito si Yna. Para kasi itong supermarket sa laki. At lahat ng hinahanap mo, nandito na—puwera lang sa pakialam niya sa 'yo.

"Mayroon ka na bang regalo? Monito-Monita?" tanong niya habang hinahanap ang wallet sa bulsa.

I'll let you guess what date it is. November eight? November nine? November ten? Engk. It's December 16, Tuesday.

Pagkatapos kong matulog, Disyemvre na. Ang bilis. Kumurap lang ako, pagdilat ko, may anak na siya sa iba. Wala pa ring makatatalo kay Jay.

"Oo. Kagabi ko pa natapos," sagot ko sa naunang tanong ng babae.

"Natapos? Bakit? Ano ba ang regalo mo?"

"Basta something long." I winked at her.

Lahat tayo na-experience na ang Monito-Monita, iyong parang mini-Christmas party kung saan magpapalitan kayo ng mga simpleng regalo. Kung hindi mo 'to naramasan, ang malas mo. Nakaka-emjoy kasi umisip ng ireregalo lalo at may trait kayong kailangan sundan.

Something soft, something sweet, something cute, something crunchy, at kung ano-ano pa na something. Noong araw na 'yon, something long ang mga regalo namin.

Kaya naman, hindi na ako nagdalawang isip pa sa ireregalo ko, lalo at si Jay ang nabunot ko. I knew exactly what to give.

"Alam ko kasi na mayaman kayo. Sa halagang sampung piso, wala akong mabibili na hindi mo kayang bilhin. Kaya naisipan ko na sulatan ka na lang ng mahabang tula at love letters." I extended my arms to give the letter with both hands.

Jay and his reaction-less face. He took it, pero mukhang hindi siya masaya. Parang hindi siya ngumiti noon sa library, November 7, 11: A.M.

"Thanks." At least nagpasalamat siya.

"Hindi masaya si Jay, Pia. Baka raw kasi hindi niya maintindihan ang sulat mo." Moses, the bully.

Tumawa ang mga kaklase ko. I wasn't offended. Totoo naman na pangit ang handwriting ko.

Kung wala lang siguro ang adviser namin sa harapan noon, pinatikim ko siya ng nanununtok na maagang noche buena.

Nagtagal pa kami nang kaunti ni Jay sa gitna kung saan inaabot ang mga regalo. Hindi pa kasi siya umaalis. Ang akala ng ambisyosa self ko, gusto niya pa ako titigan. It seemed like . . .

"You're stepping on my shoe."

"Ay, sorry." Nahihiya akong umatras at napabalik na lang kaagad sa upuan.

As expected, pinagsabihan na naman ako nila Yna tungkol sa kabaliwan ko kay Jay. "Nagsasayang lang ako ng paltos para sa lalaki. Kung lecture na lang sana ang isinulat ko, hindi love letter." Minsan, inunahan ko na sila sa sasabihin. Kabisado ko na.

"Alam mo naman pala." Sabay-sabay na nagsalita si Yna, Joey, Steph at Janell.

I can't help it. My heart decided who it would beat for and I have no control over that.

HIGH SCHOOL REPLAYWhere stories live. Discover now