Chapter 18

2K 143 24
                                    

Silvestre. 11.

Iyon ang nakasulat sa jersey na suot ko ngayon. Feel na feel ko naman. Pakiramdam ko ay isa na rin akong silvestre. Sa maikling panahon pala ay naranasan ko gamitin ang apelyido niya.

"Let's buy you a drink," sambit ng lalaking kasabay ko maglakad.

Nakakapagtaka na iniwan ako ng mga kaibigan ko para makasabay kay Jay. Sa pagkakatanda ko kasi, kahit kailan, hindi nila hinayaang mapalapit ang loob ko sa lalaki. Lalo na si Yna. Is it another product of my added words and actions? Interesting.

"Isang mineral water po." Si Jay ang bumili kaya naghintay na lang ako sa tabi.

Bitbit ng lalaki ang bag ko sa isang balikat, habang sa kabila ang sa kaniya.

"Water."

I took the bottle from him after it got opened. Uminom ako bago nagsalita.

"Ihahatid mo pa ba talaga ako? Malapit lang ang bahay namin, kaya ko naman umuwi mag-isa."

"I know you can, but why would I let you walk alone if I can take you home?"

I puckered my lips as we started walking again. "Pero narinig ko ang sinabi ng kaibigan mo kanina. Birthday ni Gwen at ayaw niya na masira ang party. Baka kailangan ka ro'n, Jay."

Ipinasok niya ang mga kamay sa loob ng mga bulsa. "Not until I take you home." He smiled, unconvinced of my suggestion.

"Paano kung magalit sa 'yo si Gwen dahil na-late ka? Baka hindi pa nila simulan ang party nang wala ka ro'n. Ano na lang ang sasabihin ng Ate mo sa akin kapag nalaman niya na ako na naman ang nakasira ng lahat?"

"Matanda na ako. You didn't ask me to take you home. Ako ang nagdesisyon na ihatid ka. She should get mad at me instead."

Ngumuso ako. "Parang hindi mo naman kilala ang Ate mo. Hindi ko nga alam kung saan humuhugot 'yon ng sama ng loob sa akin. Malapit ko na isipin na aso at pusa kami sa past life namin—ako 'yung aso, ha. Mas maamo 'yon."

Natawa siya sa sinabi ko. "She's indeed a cat, bossy," aniya. "I hope she'll change. I'm tired of lecturing her. It should be the other way."

"Akala ko, panganay lang ang hirap, depende pala sa sitwasyon." I gulped a water again.

"Tungkol pala sa nangyari sa inyo ni Ate last intrams, I'm very sorry. This is a late apology since you avoided me for months. She has always been like that, acting like she knows better than anyone else, like she knows what's best for me."

"Okay lang 'yon. Tapos naman na. Naritwalan ko na siya."

He chuckled again. Iyon na ang pangalawang beses na natawa siya sa mga salitang lumalabas sa bibig ko.

"Ano? Masaya ka na ba sa 'kin. Hinay-hinay lang sa pagtawa baka last mo na 'yan," I said.

"I'm always happy when you're around."

"Kasi I'm a big joke?"

"Of course not," mabilis niyang tutol. "Because you're genuine and effortlessly funny."

"Hay," I sighed. "Patas talaga ang Diyos. Hindi ako puwede sa category ng maganda at matalino kaya binigyan niya na lang ako ng good sense of humor."

"You can fit in every category."

"Sus." Umirap ako. "Hindi mo kailangan magsinungaling para lang hindi masaktan ang loob ko." Naubos na ang nakaboteng tubig ay uhaw pa rin ako. Perpekto ang pagdaan ng naka-tribike na lalaki.

"Kuya, pabili kami ng agar-agar!" sigaw ko bago pa man ito makalagpas. "Jay, tara. Ililibre kita."

Nauna akong lumapit sa kahihitong tribike, sumunod naman si Jay. Dalawang tigsasampung piso ang binili ko.

HIGH SCHOOL REPLAYWhere stories live. Discover now