Chapter 23

2.2K 138 9
                                    

"Hans Joseph Alejo po," banggit ko ng panagalan ng kapatid sa nurse.

"Room 22 po, sa dulong kuwarto sa kaliwa," sagot niya matapos pasadahan ang ilang papel.

Tumango ako bilang pasalamat at patakbong pumunta sa nasabing kuwarto.

Si Tito Deo ang kasama kong pumunta rito. Iniwan ko ang nagaganap na party para makita ang kalagayan ng kapatid. It was so sudden that I didn't even get to say goodbye to them properly.

"Mama," bulalas ko nang mabuksan ang pintuan.

"Pia." Sinalubong ako ng nag-aalala na ina. Hindi niya ako mayakap dahil kalong niya si Rila. Si Papa tuloy ang nasa tabi ng kama ni Hans habang ginagamot ito.

"Ano ang nangyari kay Hans?" tanong ko.

Tulog si Hans, siguro ay sinaksakan ng pampatulog upang mas madaling gamutin.

"Ang bilis ng pangyayari, anak. Pauwi na kami, malapit na nga kami sa bahay nang bigla siyang tumalon sa labas ng motor. Kalong ko si Rila kaya hindi ko napigilan kaagad," si Mama.

"May kabilisan din ang pagpapatakbo ko kaya malakas ang impak nang pagbagsak niya. Mabuti na rin kahit papaano na sa bandang damuhan siya bumagsak," dagdag ni Papa.

"Salamat sa Diyos." I heaved a deep breath.

Alam ko naman na magiging okay si Hans. Nangyari na 'to. Alam ko na gagaling siya at magiging makulit paglipas ng ilang araw.

Pero Pia, bakit ka nandito?

Lumapit ako sa kama ni Hans para makita ang ginagawang panggagamot sa kaniya. Tutok si Papa sa bawat galaw ng mga nurse at mariin ang mga tingin niya sa kanila.

"Ano ba iyang ginagawa niyo? Kanina pa 'yan, baka naman po lumala ang mga sugat ng anak ko sa dami ng nilalagay niyo?"

"Papa." Hinawakan ko ang balikat niya para pakalmahin. "Papa, alam nila ang ginagawa nila."

"E, kanina pa nila ginagamot ang kapatid mo. Baka hindi na 'yan magising, Pia." Umatake ang pag-aalala niya.

"Ginagamot lang nila nang husto ang mga sugat ni Hans. Pero kailangan pa nilang nilisin dahil mahirap na kapag nainpeksiyon," paliwanag ko. Animo'y gulat na natingin sa akin ang dalawang nurse.

"Hindi sila nag-aral ng apat na taon, nag-training at nag-exam para hindi malaman ang ginagawa nila," I told my father. "Sige ka, balang araw, magiging nurse din ako. Ayos lang ba sa 'yo na pagdudahan ako ng ibang tao?"

Bumuntong hininga si Papa. Nang bumalik siya sa pagkakaupo ay alam kong kalmado na siya.

"Pasensiya na po, nag-aalala lang kami sa bata," ani Papa sa mga nurse.

Pasimple akong nginitian ng mga babae. I know that feeling. Walang makakatalo sa pakiramdam na maintindihan ng pasyente mo at ng pamilya nito ang ginagawa mo.

"Ayos na po, Ma'am, Sir. Nalinis at nalagyan na po ng gamot ang sugat ng bata. Pupunta po rito si Doc mamaya, pahintay na lang po ang prescriptions para sa mga gamot na kailangan niyang inumin."

"Salamat po." Inabot pa ni Mama ang mga kamay nila.

Naiwan kaming buong pamilya sa loob. Nakapikit pa rin ang mga mata ni Hans nang paligiran namin.

"Kailan pa kaya magigising ang kapatid mo, Pia?"

"Maya-maya lang ay gising na siya, Mama."

HIGH SCHOOL REPLAYWhere stories live. Discover now