Chapter 3

3.1K 181 4
                                    

"Anak naman, pinag-aalala mo kami ng Papa mo."

Hawak ni Mama ang isang bimpo na may yelo sa loob. Idinadampi niya iyon sa bukol ko sa noo. Si Papa ang may bitbit kay Hans na tawa nang tawa dahil sa namumula kong noo.

"Tatawagin ko ba ang ambulansiya para maidala na 'yan sa ospital?" Si Mama ang kausap ni Papa.

"Kalma, Pa. Wala akong sakit, ano ang gagawin ko sa ospital?" ani ko. "At uunahan ko na kayo, hindi ako baliw." Pero malapit na.

"Ano ang naisipan mo at ihinampas mo ang noo mo sa lamesa?"

"Wala. Tinitignan ko lang kung matibay 'tong lamesa natin." Seryoso akong sumagot kay Papa. Mas matigas pa sa mukha ng mga tsismosang kapitbahay namin.

"Gawa sa Narra ang lamesa natin, ano ba ang inaasahan mo?" Kanina lang ay gusto na akong sakalin ni Mama, ramdam ko naman ang pag-aalala niya ngayon.

"Ma." Seryoso ang mukha ko siyang hinarap. "Gusto kong malaman mo na masaya akong makita kayo ni Papa. Masaya akong makausap kayo at makasama, pero kailangan ko na talaga umalis. May pasok ako, masungit pa naman 'yung chief nurse namin. Nagagalit nang walang dahilan. Baka awayin pa ako no'n kapag na-late ako," mabilis kong sabi.

"Kaya, Ma. Puwede mo ba akong sampalin?" Pinaglandas ko ang mga palad. "Please? Iyong malakas sana."

Bahagyang umawang ang labi ni Mama. Sa halip na sagutin, tumingin siya kay Papa.

"Natawagan mo na ba ang ambulansiya?" she muttered.

"Oy!" Umayos ako kaagad nang upo. "Si Mama naman, hindi mabiro. Joke lang 'yon siyempre. Wala talaga kayong sense of humor. Makaligo na nga. Baka mahuli pa ako sa klase." Tumayo na ako bago pa nila mapagdesisyunan na dalhin nga ako sa mental hospital.

Habang papalayo ay narinig ko pa silang magbulungan.

"Ano ba ang nangyayari kay Pia?"

"Hindi ko rin alam. Kanina ang sinabi na hindi raw niya kaya na wala ako. Gusto na ata tayong mamatay."

Ano raw? Fake news 'tong si Mama. Ayaw ko ngang mamatay sila, pero paladesisyon sila.

Ayaw niya akong sampalin para magising? Puwes kay Yna ako papasampal.

Kasalanan niya 'to. Hindi kaya may kung anong kemikal ang orange juice na binigay niya sa akin kagabi? Posible 'yon.

Bumalik ako sa kuwarto ko para maligo. Paanong hindi ako nagising hanggang sa paggayak ko? Parang totoo na talaga! Hindi ko na kinakaya ang mga happenings.

"Yna, I need your sampal." Ngayong nakatitig ako sa salamin, napagtanto kong kahit ang hitsura ko ay bumata. Sa pagkakatanda ko ay stress na stress ako noong first year. Bakit parang ang fresh ko tignan ngayon? So mas na-stress lang talaga ko nang tumanda na?

Isinuot ko ang uniporme ko. Puti ang blouse at red na checkered ang palda. Ito 'yung mga panahon na pahabaan ng palda ang labanan sa eskuwela. May malalim 'to na bulsa na tatlong bote ng alak ang kakasya.

"This feels real but this can't be real." Akma na akong lalabas ng kuwarto ko nang mapansin na wala akong dalang bag. "I need the props to leave."

Iginala ko ang mga mata sa loob ng kuwarto at natagpuam ang bag sa ibabaw ng side table. Kinuha ko iyon at naramadaman ang gaan. Nang silipin ko, wala itong laman na notebooks.

"Wala talaga akong kuwentang estudiyante noon," I murmured as I searched for my notebooks. I found them below the table.

Ang mga covers? Mga artistang sikat at mga teledrama nila. Tinahi ang mga pahina kaya kapag pumunit ka, hindi damay ang iba.

HIGH SCHOOL REPLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon