Chapter 10

2.4K 155 70
                                    

So this is what it feels to be thirteen, in love without worrying about your approaching heartbreak.

Nothing beats the first love. The confusion as to why you are feeling such emotions, the thrill, and the moment you are living in. It's pure and innocent. It's fluttering how you can see everything differently—katulad kung paanong isang langit na puno ng mga bituwin sa paningin ko ang kisame na may agiw.

"Hinatid niya 'ko. Pa-fall talaga, e." I rolled over my blankets. "Kasalanan niya talaga kung bakit hirap na hirap ako mag-move-on. Ang simple-simple ng ginawa niya, pero pakiramdam ko, pinakasalan na niya ako." Let's normalize blaming Jacob. Mga J talaga.

"Kung hindi lang tayo nagmahal nang maaga. Siguro, tayo pa rin," I said as I stared at his printed photo at the back of my school ID.

Alam kong ginawa niyo rin 'to. Kung hindi kodigo o picture ng crush niyo ang nasa likuran ng ID niyo, malamang picture ng mga idol niyong singer o artista na hindi naman kayo kilala.

At least itong sa 'kin, kilala ako. Hindi nga lang ako gusto.

"Palibhasa, alam na alam mo akong kuhanin, e. Isang good bye, isang see you again, isang ihahatid kita, wala na," I enacted as I sat properly on my bed.

Itinago ko sa ilalim ng unan ang ID ko. "Mai-text nga si Yna. Alam kong hindi maniniwala 'yon, pero sasabihin ko pa rin."

Hinanap ko ang cellphone sa higaan ngunit bigo akong makita ito kahit nang hagilapin ko na sa buong kuwarto. Natutulog na si Hans kaya tahimik akong lumabas ng kuwarto.

Gising na gising pa si Mama, nanahi siya sa sala. Si Papa naman, nakatulog na sa paghihintay sa kaniya.

"O?" Sandaling huminto si Mama sa pananahi. "Bakit hindi ka pa natutulog?"

I held my nape. "Hinahanap ko 'yung cellphone ko, Ma. Nakita mo ba?"

She blinked fast. "Cellphone?"

I nodded before I turned my back and started searching for it in the kitchen. "Hindi ko matandaan kung saan ko nailapag. Ite-text ko sana si Yna."

"Anak, wala kang cellphone," aniya.

Titignan ko pa dapat sa loob ng ref na hindi gumagana ang cellphone ko, pero natigilan na dahil sa sinabi ng ina.

First of all, aminin niyo, may ref kayo na hindi na gumagana kaya ginawa niyo na lang stock-an ng mga pagkain. Wala? Baka nga kami lang.

"Wala pa 'kong cellphone, Ma?" Hinarap ko na siya.

She shook her head. "Anak, alam mo naman na hindi pa namin iyon maisisingit sa mga gastusin." She smiled at me apologetically.

Ilang taon ba ako nagkaroon ng cellphone? Hindi ko na matandaan.

"Naiintindihan ko, Ma. Hayaan mo na 'yon. Oo nga, wala pa akong cellphone." I awkwardly laughed. "Nananaginip ata ako."

Naaawa pa rin ang tingin ni Mama sa akin.

"Okay lang naman, Ma. Hindi naman kailangan na kailangan 'yon. Nananaginip lang ata ako nang gising." Itinuro ko ang pintuan ng kuwarto. "Balik na 'ko sa kuwarto, Ma. Huwag ka masiyado magpuyat, ha. Matulog na rin kayo ni Papa."

She smiled at me, parang gusto pang maiyak.

Pia, hindi ka talaga sweet noon.

I went back inside my room, recalling how I and Yna would keep in touch with each other back then—without a phone.

"Letters?" Hindi siguro. "Hindi nga kami nagle-lecture, magsulatan pa kaya?"

Hayaan mo na nga. "Nasaan na ba ang diary ko?" Kinuha ko ang notebook sa lamesa at handa na sana iyong buklatin nang biglang may kumatok sa pintuan ko.

HIGH SCHOOL REPLAYWhere stories live. Discover now