PROLOGUE

6.7K 266 60
                                    

"Emergency room! Level one."

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang stretcher na itinutulak ng mga nurse at ng isang doktor. Katulad ng karaniwang tagpo sa isang pampublikong ospital, puno ang loob dahil maraming naghihintay.

Gumilid ako at iginiya rin ang mga taong lumihis para bigyan ng daan ang stretcher. May ilang ayaw pa rin sumunod at ipinipilit ang gusto nila kahit nag-aagaw-buhay na ang pasyente.

"Lumihis daw kayo! Putang ina, may naghihingalo na nga!"

Oh, hindi ako 'yon.

Isang buntis na nagle-labor ang sumigaw sa kulit ng mga tao.

"Ma'am, kumalma lang po tayo. Kailangan niyo po ba ng kasama sa kuwarto?" mabait kong tanong.

"Ayoko!" mabilis niyang sigaw.

At gano'n-gano'n na lang . . . natuto ako magbilang.

Isa. Isang decibel na lang ang idadag ay mabibingi na ako sa lakas ng boses niya.

Dalawa. Dalawa na lang ang ngipin niya sa harapan kaya mukha siyang galit na kuneho.

Tatlo. Iyon ang bilang ng butil ng laway na naramdaman ko sa mukha nang sigawan niya.

"Mukha ba akong nangangailangan ng kasama?! Iyong naghihingalo ang asikasukin niyo, mga tamad!"

Nagtalo ang demonyo at anghel sa magkabilang balikat ko, parang dalawang bata na nagpapaligsahan sa dalawang dulo ng seesaw.

First choice, sigawan pabalik ang pasyente. Sabihin na bukod sa overworked ka, underpaid ka pa.

Second choice, manahimik. Ngumiti at lagpasan si Madam bago ka pa niya pagbantaan na tatanggalan ng trabaho.

Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, ano ang pipiliin mo?

"Huwag po kayong mag-alala, Ma'am. May aasikaso po sa pasyente natin sa ER."

Siyempre sa third choice tayo. Ipaintindi bago iwanan.

Hindi iyong iiwanan mo nang hindi mo ipinapaintindi ang dahilan. Mali 'yon. Sa terms ng mga Gen Z, red flag.

Nginitian ko pa rin ang buntis bago magpaalam. "Magsabi lang po sila kapag may kailangan, Ma'am."

"Ang kailangan ko, mawala ka sa harapan ko!"

Galit na galit si Madam. Manganganak na pero mukhang balak pa akong paglihan.

"Buhay nga naman." I turned my back after sighing.

I took the busy aisle to do rounds. Nakasalubong ko si Jillian na bitbit ang isang magandang balita.

"Pia, hinahanap ka ba ng pasyente mo. Gusto umihi pero kailangan daw niya ng alalay. Ako na sana ang tutulong, pero ikaw ang gusto."

My lips went loose. "Ang gandang umagahan."

Nagkibit-balikat ang babae. "Mas maganda ka. Tignan mo mga at ikaw ang palaging nire-request."

"Sumpa," sambit ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Pia."

HIGH SCHOOL REPLAYWhere stories live. Discover now