Chapter 8

2.6K 142 26
                                    

"Paano ka naka-perfect sa Science kanina?" si Yna.

"Oo nga, Pia, hindi ka man lang nag-share ng blessings." Joey added.

Madali pa mag-cheat noon. Karamihan kasi sa mga tactics ng mga estudiyante, bago pa lang sa mga guro.

Alam 'yan ng mga teachers ngayon, dahil malaki ang posibilidad na nagawa na rin nila mandaya. Baka nga 'yung teacher mo, kaklase ko pa. Well, sino ba naman ang hindi nag-cheat ni minsan?

But before you conclude anything, I'm not romanticizing cheating. Ako lang din ang nahirapan noon nang mag-college na ako. Kaya makinig kayo sa mga teacher niyo kapag pinagsasabihan kayo. They've been there, they've done that.

"Lakas ng loob at kaunting pagnanasa," sagot ko sa kanila. Malago ang mga mirasol ko sa mukha ngunit nanatiling tuyong lupa ang mga mukha nila, lalo na ang kay Yna.

"Si Jay na naman ba ang babanggitin mo? Huwag mo na subukan. Naiirita ko sa pangalan niya." Umirap si Yna.

Sa dami ng mga nakalipas na araw na nakalimutan ko na, ito ang kailanman hindi mawawala sa aking alaala. Ang pagiging anti-Jay ng best friend ko.

"Alam mo, minsan, tinatanong ko ang sarili ko kung sino ba sa inyo ni Pia ang may crush kay Jay. Siya ba o ikaw? Galit na galit ka." Steph asked her what I was trying to word out.

"Kung tutuusin, maayos naman si Jacob. Kulang lang sa pagiging bulakbol," ani Janella. "Sobrang seryoso sa pag-aaral. Masaya kaya siya?"

Yna made a face as we took the last step of the stairs. She seemed to agree with Janella.

"Si Pia lang naman ang nagkakandarapa sa lalaking 'yon na parang ice cream na walang flavor. Palaging seryoso, aral lang nang aral, bilang ang mga salita, at snob pa. Ang boring niya kaya." Hinawi niya ang side bangs niya.

Naghawak-kamay ang mga kilay ko. Hindi ko magawang sumang-ayon sa sinabi niya.

Jay is the most interesting man I knew. Kahit noon, iyon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kaniya. He was like a novel that doesn't expose all the secrets and twists at once. Isang kuwentong lilinlangin ka muna sa umpisa, bago ka sorpresahin sa huli.

At katulad din ng kuwento, hindi mo malalaman ang sikretong nakasulat sa mga susunod na kabanata kung hindi mo bubuklatin ang mga pahina, lalo kung iiwanan mo itong hindi tapos.

"Wala na lang pakialamanan. Ako nga, walang sinasabi sa crush mong fourth year na."

She snapped her neck to me and glared. "Tumigil ka nga at mali."

"Yna, fourth year pala, ha." Tumaas ang parehong kilay ni Mike.

"Sino ba 'yan? Tara na at haranahin," suhestiyon ni Ryan. "Ako ang drummer."

"Bukod sa rostrum, wala kang ibang drum na alam gamitin," said, Joey to Ryan.

Ginawang tambol ni Ryan ang malaki niyang tiyan, may beat pa. Siraulo talaga—lahat naman kami.

Sabay-sabay na naglalabasan ng mga silid ang mga estudiyante. Ito ang oras na kawawa ang mga introvert dahil kaniya-kaniyang na grupo ang magkakasama. Amoy pawis na lahat at nag-uusap kung saan sila tatambay bago umuwi.

Palagi kong kasabay si Yna, Joey, Mike, Stephanie, Ryan, at Janella palabas ng school. Naghihiwa-hiwalay lang kami pagkalagpas sa gate dahil iba-iba kami ng direksiyon na tatahakin. Yna and I lived at the same neighborhood so she's an exemption.

HIGH SCHOOL REPLAYWhere stories live. Discover now