BFAN : 45

60.5K 754 94
                                    

CHAPTER 45

FELISSE

                "WHAT CAN YOU say about this, Mrs. Rivera? Is this true? Nasaan na ang anak niyo ngayon? Is it the Grant Ysrael Rivera now? How was your relationship with Joven Castaneda? Are you going to throw him in prison?"

Sunod sunod parin ang mga tanong nila pero wala akong sinagot dahil nanginginig kong nilingon si Logan na gulat din sa nalaman niya.

Nakatingin lang ito sakin, hindi pinapahalata ang gulat.

"Miss Felisse! Where's your child with Joven Castañeda?! May alam ba si Mr. Rivera tungkol dito?!" Malakas na sigaw ng isang reporter.

Muling umingay dahil do'n.

"Si Grant Ysrael ba ang anak niyo ni Joven Castañeda?! Wala ba talaga kayong anak ni Mr. Rivera?!" Namilog ang mga mata ko sa itinanong na 'yon.

"T-that's not true! Anak namin ni Logan si Ysrael!" I cannot stop myself from answering dahil nadadamay na ang anak ko!

"Miss Felisse, you just lost a child now. Pangalawang—"

"My wife doesn't owe any of you an explanation," Logan wrapped his arm around me tighter as we head out.

Hindi ko alam kung paano kami nakaalis sa kumpulang 'yon not until I saw Spiro. Busangot ang mukha nito at masama ang tingin sa mga reporter.

Mabilis ang pangyayari. People tried to chase us, but Spiro's bodyguards stop them kaya nakapasok kami sa kotse.

I can still feel my trembling body.

Hindi ako makapaniwalang... alam na ng bansa ang sikreto ko!

Pumasok si Logan sa kotse. He wasn't able to fasten the seatbelt dahil nagmamadali na siyang umalis. Kahit nanginginig, ako na ang naglagay no'n sakanya.

Balisa ang mga mata niya habang nagmamaneho. Malamang dahil sa nalaman niya.

Ano kayang iniisip niya ngayon? Galit ba siya? K-kasi hindi sinabi sakanya? Maiintindihan ko kung oo. Totoo namang... nakakagalit talaga ang bagay na 'yon hindi dahil sa may anak ako dahil kung hindi dahil may nilihim ako.

"Logan—"

"Are you okay?"

Natigilan ako sa sinabi nito.

Mariin akong lumunok dahil parang may nakabara sa lalamunan ko nang itanong niya 'yon.

Hindi na siya galit?

"Aren't you hurt? You were pushed awhile ago,"

Hindi siya mapakali kaya naman itinabi niya ang sasakyan. Kinalas niya ang seatbelt niya. Kinuha niya agad ang braso ko at tinaas ang sleeves no'n.

I was watching him the whole time. I was waiting for him to get mad at me.

"Does it hurt?" Bumaba ang tingin ko sa braso kong namumula. "I would never forgive those bitches—"

"Hindi ka ba galit?" Napapaos na tanong ko.

Natigilan ito. His eyes remained on my arm. Titig na titig ako sakanya. Hindi ako makapaniwalang mas inuuna niya pa ang pagtatanong kung anong masakit sakin. Hindi ako makapaniwalang hindi niya ako inaaway dahil kung ako sakanya, inaway ko na siya dahil nag-lihim na naman ako.

"We will talk about this at home. Give me your phone first. Do not open any of your social media. I'll deactivate all of those later. Do not watch TV for now, too."

Wala sa sariling inabot ko sakanya ang phone ko. I don't know what to do. Pinatay niya ang phone ko at tinago 'yon. Bumaling na lang ako ng tingin sa labas habang nagpatuloy naman si Logan mag-drive.

Bought for a NightWhere stories live. Discover now