BFAN : 38

58.1K 651 42
                                    

CHAPTER 38

FELISSE

                 WALA PA 'KONG TULOG. Kahit anong gawin kong higa kanina, hindi ko magawa. Dilat na dilat ako. Kahit ni idlip, hindi ko nagawa kanina.

Wala pa rin ang asawa ko. Hindi ko alam kung nasaan siya! Alalang alala ako! Ang daming pumapasok sa isip ko.

Baka nakidnap siya o ano? Kilalang tao pa naman siya! Kapag may nangyaring hindi maganda sakanya, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko kung bakit umalis ang asawa ko! Ako ang may kasalanan.

Puro kasi ako lihim! Bakit ba kasi ang laki kong sinungaling? Bakit ba kasi hindi ko maipagkatiwala sa sarili kong asawa ang mga sikreto ko? Anong... anong problema ko?

Tamad akong umupo mula sa pagkakahinga. Mukha akong puyat na panda pero wala naman akong magawa dahil hindi ako makatulog.

"Ma'am?" Tinignan ko ang pinto kung saan kumakatok ngayon si Ate Mae.

"Pasok,"

Dumungaw naman ang ulo nito pero nagulat ako nang sumilip din ang anak ko!

"Gising na po si Ysrael. Paliliguan ko na po ba o kayo na?" Tipid akong ngumiti at nilapitan sila.

"Ako na po. Isasabay ko na lang sakin si Ysrael,"

Saglit kong nilaro laro ang anak ko hanggang sa nabusog ako sa mga tawa nito. I kissed him countless times. Kinurot ko ang mataba nitong pisngi.

"Ligo na, hmm? Liligo na ang baby ko," Humalakhak ito kaya dinala ko na sa cr namin.

Pinuno ko ng maligamgam na tubig ang bathtub. Doon kami nagbabad ni Ysrael.

He was scared at first dahil siguro napansin niyang malalim ito kaya naman I assure him first na hindi siya mapapahamak. Nilagyan ko rin ng bubbles ang tub para i-design 'yon kay Ysrael.

"Hindi pa umuuwi ang dada mo... Nag-aalala na 'ko," My tears fell while hugging my son.

Nakahiga ito sa dibdib ko na may bula rin.

I hugged him more. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Paano kung hindi na umuwi sakin si Logan? Paano kung talagang may nangyari na kay Logan? Ano na lang ang mangyayari sakin?

"Mum..." My son looked at me.

Bakas ang pag-aalala sa mga mata nito habang pinapanood ang lumuluha kong mga mata.

"Why?" He asked.

Niyakap ko lang ito dahil hindi ko alam ang isasagot ko sakanya. Masyado pa siyang bata para sabihan ko ng problema. Hindi ko na rin gugustuhin.

I kissed his forehead.

Sa kalagitnaan ng paglalambing ko sa anak ko, biglang bumukas yung pinto ng banyo!

And to my horror, bumungad ang asawa ko!

"L-logan!" Napabalikwas ako ng upo nang makita ko ang asawa ko.

"Dada!" Nagpapadyak na si Ysrael at gustong magpa-karga sa Daddy niya.

Nilapitan ni Logan ang anak namin. Kinuha niya si Ysrael sakin kaya naman nawala ang takip sa katawan ko. Nilagay ko muna ang mga bula sa katawan ko para naman matakpan ito.

"S-san ka galing? Bakit hindi ka umuwi?"

Hindi ito makatingin sakin.

"I'll be back. You wait here. Dadalhin ko lang si Ysrael sa Nanny niya."

Kusa akong napatango. "O-okay..."

Nakatanga lang ako sakanila hanggang sa makalabas sila ng bathroom. Natulala ako sa kung saan.

Bought for a NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon