BFAN : 22

46.6K 592 21
                                    

CHAPTER 22

FELISSE

                   "ANO?! PINAYAGAN mong mag-trabaho ang asawa mo kasama ang ex-girlfriend niya? Nahihibang ka na ba, Felisse?!" Halos tumalsik ang mga pagkain sa bibig ni Tintin sa pagmu-mukha ko.

"Pwede bang babaan mo ang boses mo?" Inirapan ko siya at binigyan ng bagong laruan ang anak ko. Kinagat naman nito agad ang laruang binigay ko.

"Ano bang pumasok sa isip mo at hinayaan mong mag-trabaho ang asawa mo kasama ang ex niya? At ikaw pa ang nagsabing okay lang?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Sumimangot ako. Ang OA niya! Parang siya pa ang asawa, ah? Naiintindihan ko naman ang pinupunto niya pero hindi lang ako makapaniwala sa iniisip niya. Kakapanood niya 'yan ng drama sa TV!

"Malaki ang tiwala ko sa asawa ko, okay? Walang naging issue ng pambabae sa loob ng pagsasama namin." Humalukipkip ako. "Hindi niya sisirain ang tiwala ko."

"Malaki ang tiwala? Bakit? Ilang taon na ba kayong nagsasama?" Nag-taas ito ng kilay sakin. "Isang taon mahigit pa lang! Wala pang limang taon kaya paano ka nakasisiguro na kilala mo na ang asawa mo?"

Umawang ang labi ko. Gusto kong sagutin ang paratang niya pero nakuha ko muli ang punto niya.

Matagal naman na kaming nagsasama ni Logan kaya pakiramdam ko... kilala ko na siya. Kilala ko na siya pero nito ko lang nalaman na may ex-girlfriend siya?! Baka meron pa akong hindi nalalaman? Aba, malamang at meron pa!

"Tintin—"

"Ikaw nga hindi ka pa niya kilala nang lubos, hindi ba?! O, bakit? Alam niya ba ang tungkol sa—"

"Tintin!" Hindi ko na mapigilang magtaas ng boses sakanya. "Tama na! Huwag mo nang isali sa usapan 'yon. Oo! Hindi niya pa alam at... wala akong balak sabihin sakanya 'yon! Hindi na kailangan!"

Tumayo ako at pumunta sa kitchen para kumuha ng maiinom. Mabilis ang tibok ng puso ko at nararamdaman ko rin ang panginginig ng kamay ko nang maalala ko ang tinutukoy ni Tintin.

Nangilid ang luha ko. Ang tagal na no'n...

"Uy, Felisse..." Kinalabit ako ni Tintin. Sumunod na siya sakin at halatang guilty sa sinabi niya. "I'm sorry na. Hindi ko naman gustong isali sa usapan ang tungkol do'n. Pasensya na."

"Alam mo kung gaano kasensitibo sakin ang usaping 'yon, Tintin." Mariing sabi ko.

"E, oo nga. Kaya nga pasensya na. Hindi ko sinasadyang sabihin 'yon. Biglaan na lang lumabas sa bibig ko. Hindi ko na uulitin."

Nag-iwas ako ng tingin at sa huli ay tumango na rin para hindi na humaba pa ang usapan namin.

Doon pa nag-stay si Tintin hanggang sa mag-hapon. Nakikipag laro siya sa anak ko. Wala pa rin kaming makuhang yaya para kay Ysrael dahil masyado kaming mapili.

Pinaayos na ni Logan ang kwarto namin pati ang kwarto ni Ysrael. Nagdagdag kami ng kama sa kwarto ni Ysrael para pwedeng doon kami in case na kailangang samahan si Ysrael sa kwarto buong magdamag.

Soundproof na rin ang kwarto namin.

Nagluluto ako ng dinner habang nasa walker naman si Ysrael at pagala gala sa kung saan saan. Masyado kasi siyang agresibong baby kaya naman hindi ako mapalagay sa t'wing naiiwan ko siya.

Ano na kayang nangyari sa trabaho ni Logan?

Isang linggo na nang huli kong masabi kay Logan na pwede siyang makipag trabaho sa ex niya at ang alam ko, ngayon pa lang niya opisyal na sasabihan ang babae na pumapayag na ito.

Bought for a NightWo Geschichten leben. Entdecke jetzt