BFAN : 21

47.6K 641 60
                                    

CHAPTER 21

FELISSE

                   "YOU LOOKED SO shocked, Logan. What's wrong with you?" Humalakhak ang babae kaya halos hindi na makita ang mata niya.

Tinignan ko ang asawa ko. Totoo nga. Mukha nga itong gulat na gulat habang litong lito naman ako dahil sa mga reaksyon nila. Lalo na ng asawa ko! Ano bang problema?

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marealized kung ano ang sinabi ng babae. Missed? Bakit naman? Sino ba siya para ma-miss ng asawa ko?

Umungot ang anak ko na karga parin ni Logan kaya naman nalipat doon ang tingin ng babae. Hindi ko alam kung anong emosyon ang dumaan sa mga mata niya dahil sobrang bilis no'n.

Tumayo si Logan para isayaw si Ysrael na subo subo ang hinlalaki. Nagulat ako nang naglakad ang babae palapit sa mag-ama ko.

Hindi ko alam pero kumirot ang dibdib ko nang humawak ito sa balikat ng asawa ko sabay haplos kay Ysrael.

"You guys are so—"

Natigilan ito nang lumayo sakanya si Logan at sa halip ay lumapit sakin. Pinalibot niya ang braso niya sa bewang ko habang karga parin si Grant sa kabilang braso.

Napanis ang ngiti ng babae. Matagal ang mariing tingin nito sakin hanggang sa biglang ngumiti. Humahalik ang takong niya nang lumapit samin.

"Nice to meet you. I'm Elvira LiChen, the owner of Extria Mall." Nilahad nito ang kamay niya sakin.

Humigpit ang hawak ni Logan sa bewang ko at halatang ayaw akong makipag-kamay sa babae pero hindi ko ito pinansin.

"Felisse Rivera, Logan's wife." Kinamayan ko siya.

Saglit na namilog ang singkit nitong mga mata pero agad ding nakabawi.

"Oh, right! I heard the news. I just never thought that you're his wife," Humagikgik ito. "This is your son?" She was about to touch my son, but Logan stepped backwards.

"Why are you here, Elvira?"

Elvira snorted. "Stop being bitter, Logan. It's not like it was the worst break-up we could ever done."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ng babae. Nag-aalalang tumingin naman sakin si Logan at mukhang ready na mag-explain.

"What the hell are you—”

She chuckled. "Alright, I'm sorry! I didn't mean to say it." Ngumisi ito. "As you can see, I want to have a partnership with you, Logan. Not bad for the exes, right?"

Nanginig ang labi ko. Ngayong sinabi na nito ang tanong sa isip ko, nakumpirma ko kung magka-ano ano nga sila. Kung hindi ako nagkakamali, mag-ex silang dalawa at ngayon gusto ng babaeng 'to katrabaho ang ex niya?!

"Yeah," Gulat kong nilingon si Logan. "Not bad for the exes, but I am considering my wife's feelings. She'll be uncomfortable if we'll work together. I understand what you want to happen, but my priority is my wife."

Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. Akala ko, papayag talaga siya nang hindi man lang tinatanong ang opinyon ko!

"W-well, if you're going to act professional —"

"If being concerned about your wife's feelings is unprofessional, then I guess, I am really unprofessional."

Mariin akong napalunok. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa sinabi ni Logan at parang busog na busog ang puso ko sa sinabi niya.

"I can still wait, Logan," Tinignan ako nito. "I hope you understand. This is work and I really want to have a partnership with your... husband. If you're really concern about your family's business, pag-iisipan mo ito," Ngumisi ang babae. "Isa pa, wala akong naaalalang may bagay akong gusto na hindi ko nakuha. Excuse me,"

Bought for a NightWhere stories live. Discover now