BFAN : 26

46K 617 68
                                    

CHAPTER 26

FELISSE

 
                   "MADAME, ANG SABI po kasi ni Sir Logan, ipasuot daw po ito sayo. Pumayag na po kayo, Madame. B-baka tanggalin ako ni Sir." Namumutlang sabi ng makeup artist.

Hawak hawak niya yung kwintas na binigay sakin ni Logan na ayaw kong isuot pero ipinipilit parin nila.

"Madame..."

"Nasan ba ang Sir mo?" Kinalma ko ang sarili dahil ayaw kong matakot na lang siya bigla sakin. Hindi naman ako masamang tao!

"N-nasa labas po at bumabati sa mga bisita."

Umirap ako at tumunganga na lang sa malaking salamin na nasa harap ko.

Ngayon gabi ang event na ginawa namin ni Twyla. Nandito ang asawa ko kahit sinabi kong hindi naman kailangang nandito siya.

"Isuot mo na para matapos na 'to." Malamig kong sabi.

"Nako! Sige po, Madame!" Masaya niya itong isinuot sakin. Niretouch niya pa ulit ako bago sinabing tapos na ang pag-aayos sakin.

Sa kabilang table ay si Twyla. Inaayusan din siya dahil magbibigay din siya ng speech mamaya katulad ko.

"Nand'yan na ba yung bagong artista?" Wala sa sarili kong tanong.

"Ah! Si Joven po ba pati si Kristal? Oo, Madame! Grabe, bagay na bagay talaga sila. Ang gwapo pa ni Joven. Nakakatuwa dahil concern pala siya sa mga rape victims at gustong maging aware pa ang mga tao."

Humigpit ang hawak ko sa upuan dahil sa sinabi niya. Concerned? Hinahangaan siya ngayon dahil umattend siya sa event ko pero ano na lang kaya ang iisipin ng mga tao kapag nalaman nila na ang iniidolo nila ay isang... rapist?

"Miss Felisse,'' Nawala ang iniisip ko nang biglang may sumulpot na lalaki.

May dala siyang bouquet of roses, inabot niya ito sakin.

"Para saan ito?"

"Pinapabigay po ni Sir Logan."

I pressed my lips together bago ko pinagmasdan ang bouquet. May letter ito sa tuktok na kinuha ko para mabasa ang nakalagay.

I haven't seen you yet, but I'm pretty sure you look dashing. As always. I hope we could have a fine dine tonight? - Your husband

Napakurap ako sa nabasa. Hindi ko alam pero nawala ang pagka-bad mood ko kanina tungkol kay Joven dahil sa sinabi ni Logan at sa pabulaklak niya.

I've been ignoring him for two weeks. Para naman siyang buntot na sunod nang sunod kung saan ako magpunta.

"Paki-sabi 'Salamat'." Utos ko. Nagpaalam naman ito na aalis na.

Karga karga ko ang bouquet habang umiikot ikot sa room na para samin ni Twyla. Twyla got busy when Garret came. Nag-lambingan sila sa harap ko. Hindi ko kasi hinayaang papasukin si Logan kaya wala ang isang 'yon dito.

The event will start in less that 15 minutes now. Nagulat ako dahil hindi man lang ako kinakabahan. Ang totoo n'yan, I'm excited. I'm excited to see Joven's reaction once he sees me.

"Twyla, Garret, uhm... I'll go outside lang ha?" Paalam ko sakanila.

"Oh, go ahead! Tatawagin naman tayo sa stage." Tumango ako.

Lumabas ako ng kwarto dala dala parin ang bouquet. Medyo maraming tao at hindi kami gaanong nag-required na umupo agad ang mga guests. We want then to take their sits once we're done with our speech.

Katulad sa auction, nakatayo ang mga tao habang may maliit na high table sa harap nila. Marahang sumisimsim ng wine at nakikipag usap sa kung kani-kanino.

Bought for a NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon