BFAN : 20

51K 678 38
                                    

CHAPTER 20

FELISSE

                      PILIT KONG SINISILIP ang anak ko dahil hindi ko siya matanaw. Gusto ko lang siyang tignan kahit na natutulog dahil napapanatag ako.

Naputol ang paghaba ng leeg ko nang gumalaw si Logan sa braso ko. Nakahiga kasi siya sa braso ko.

Oo, siya ang nakahiga at ako ang nagpapahiga sakanya sa braso ko. Ang katwiran niya, gusto niya raw na nilalabing ko siya. Nagseselos daw ito kay Grant.

"Hug me more, please..." Demand niya, mas sumisiksik sa dibdib ko.

Umirap ako sa kawalan bago siya niyakap katulad ng gusto niya. Marahan kong nilalaro ang buhok niya kaya para itong kiti kiti na sobrang kiliti ngayon.

"Matulog ka na," Sabi ko pero umiling lang siya. "Maaga ka pa sa opisina bukas, Logan."

"I don't want. Kapag natulog ako, hindi ko na mararamdaman ang yakap mo." Sumiksik pa siya lalo.

"Meron pa naman bukas! Ano ka ba naman?!"

Tumingala siya kaya nasalo ko ang kulay brown niyang mga mata. Nagpapa-cute siya sakin, ayaw matulog. Hindi ko naman mapigilang hindi ma-cute-an sakanya.

Hinalikan ko ang ilong niya.

"Habang wala ka bukas, sasama na muna kami ni Ysrael kay Klaus." Automatic na bumusangot ang mukha nito.

"No."

"Bakit naman? Namimiss ko na ang pinsan--"

"What the fuck?!" Napalayo siya sakin.

Magrereklamo pa lang sana ako kung hindi ko lang naisip na sa sinabi kong 'yon, mukhang ako nga ay may mali! Mali nga siguro ang pagkakasabi ko at ang pagkakaintindi niya.

"Ang ibig kong sabihin--"

"Do you like him?" Mabilis akong umiling.

"Hindi!"

"Then why are you always with him? Seriously, Felisse? There are rumors about you and him!"

Umawang ang labi ko, ready nang depensahan ang sarili ko pero narinig ko na rin ang rumors na 'yon noon pa. Sinasabing may relasyon daw kami ni Klaus dahil lagi kaming magkasama noong tao. Kahit na noong buntis ako, kasama ko lagi si Klaus.

"Naniniwala ka sa rumor na 'yon?" Mahina kong tanong.

Hindi siya sumagot at dahil sa inakto niyang 'yon, kumirot ang dibdib ko. Siguro nga naniniwala siya. Naniniwala siya dahil... hindi naman talaga niya ako kilala noong pinakasalan niya ako.

At aminado rin akong may importanteng bagay pa sa buhay ko na hindi niya alam at wala akong balak na ipaalam 'yon sakanya.

"Stop being so closed to him."

"Logan---"

"Hindi mo kaya?" Nag-taas siya ng kilay. "Look, Felisse, as long as I don't want to believe the rumors, there is a part of me that wants to believe it. Bakit hindi mo magawang iwasan ang pinsan ko?"

"Magkaibigan kami--"

"I trust you, Felisse." Natigilan ako. "I don't want you to misinterpret my words and actions. I just want to protect our family, our son."

Nagbaba ako ng tingin at binalingan ang anak kong tulog na tulog pa.

"Don't you ever try to ruin what we have now, Felisse,"

Mabigat ang loob ko noong gabing 'yon. Naiintindihan ko naman siya lalo na ang pinupunto niya. Hindi ko rin naman pipiliing sirain ang pamilya namin.

At alam kong siya rin. Hindi niya magagawang sirain itong pamilya namin, hindi ba?

Bought for a NightDove le storie prendono vita. Scoprilo ora