BFAN : 19

49.7K 633 44
                                    

CHAPTER 19

FELISSE

                 "HMM-MM... HMM-HMM..." Tumigil ako sa ginagawang mahina pagkanta nang makitang malalim na ang tulog ng anak. Napangiti ako nang humikab ito at mas lalong lumalim ang tulog.

Mahina ko siyang sinayaw dahil hindi parin ako komportable dahil sa sugat sa gitna ng hita ko.

Sumulpot si Logan dala ang hot compress. Napangiti ako nang makita ang dala niya. Nilapitan niya agad ako para makisilip sa anak naming tulog na.

"Hindi ka dapat tumatayo," Nilapag niya ang hot compress sa kama bago kinuha sakin si baby. "I'll take care of him. Humiga ka na."

Sinunod ko naman siya para hindi na humaba pa ang usapan namin.

Sinayaw sayaw niya si Ysrael hanggang sa ilapag niya ito sa crib na katabi niya. Oo, katabi niya. Nakipag-talo pa ako dahil dapat, nasa tabi ko ang anak at hindi sakanya pero ang katwiran niya, para raw hindi ako maabala sa pag-tulog kapag umiyak ito. Mas gusto kasi ni Logan na siya ang nagigising kapag umiiyak si Ysrael.

Hindi na rin pumapasok sa opisina si Logan at naiintindihan naman siya ng Daddy niya. Kahit naman super hands on ni Logan sakanya, nagta-trabaho parin ito sa bahay.

Bahagya akong tumalikod kay Logan bago inangat ang shirt na suot ko. Dinampi dampi ko ang hot compress sa dibdib ko dahil masakit 'yon nitong huling araw. Siguro dahil sa breast feeding.

"You need help?" Naramdaman ko si Logan sa likod ko.

"Okay lang ako,"

Nagulat ako nang bigla niyang agawin ang hot compress mula sakin! Magre-reklamo na sana ako kung hindi lang sumarap ang pakiramdam ko nang dampian niya ang dibdib ko.

Wala akong hiyang nararamdaman. Nanganak ako two weeks ago. Pagaling na ang sugat ko pero parang pagod na pagod parin ang buong katawan ko.

"It looks heavy," Sambit niya. "You need to pump..." Umiling ako.

"Mas healthy daw kapag direktang umiinom sakin si Ysrael." Nanulis ang nguso niya.

Wala sa sariling tinignan ko ang loose skin ko sa parteng t'yan. Nakita niya ata ang pag-tingin ko ro'n dahil hinaplos niya ito. Ngumuso ako. Siguro... ayaw niya na sakin dahil may ganito ako.

"Stop overthinking." Bigla niyang sabi na para bang nababasa niya ang nasa isip ko. "This won't lessen your beauty, Felisse." Hinalikan niya ang pisngi ko.

"Alam ko." Ngumisi ako kaya napangisi rin siya.

Naalala ko nang una naming makita ang mata ng anak namin. Halos kumislap ang mga mata ni Logan nang makitang nakuha ng anak namin ang mga mata ko. Kulay abo rin, katulad ng gusto niya.

Umiwas ako ng tingin nang may naisip. Ayoko sanang dumadapo ito sa isip ko pero hindi ko mapigilan lalo na ngayong nailabas ko na ang anak namin.

Ngayong nailabas ko na si Ysrael, ano na ang pakikitungong matatanggap ko? Hindi na ako buntis kaya hindi na kailangan pa ng sobrang pag-iingat sakin. Si Ysrael lang naman talaga ang rason kung bakit kami nag-sama ni Logan. Posible kayang mag-hanap ng ibang babae ang asawa ko?

Pero parang imposible naman, hindi ba? Kasi sa lagay ko ngayon, hindi ko kayang sirain ang pamilya namin.

Bakit ko naman kasi iniisip na gano'n?! Mukha bang manloloko ang asawa ko?! Wala namang naging issue saming tungkol do'n sa loob ng ilang buwan kahit isang beses lang kaming nag-sex habang buntis ako!

Hindi ko na inisip ang tungkol do'n sa mga sumunod pang linggo. 

Mataba si Ysrael nang lumabas kaya cute na cute sakanya ang pamilya ni Ryder. Humilom na rin ang sugat ko at nakakabawi na. Plano kong... mag-exersize para bumalik ang dati kong katawan. May ni-recommend sakin si Keinna na doctor na ipagpapaalam ko pa kay Logan kung pwede kong kitain.

Bought for a NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon