BFAN : 28

47.2K 689 28
                                    

CHAPTER 28

FELISSE

                      "DITO NA PO muna kayo. Saglit lang ako," Kinuha ko agad ang bag ko. Pinagbuksan naman ako ng pinto ng personal bodyguard ko.

I am seeing Joven. Somewhere dark. Yung park sa kindergarten school, doon namin napag-usapang magkita. I've been waiting for him to beg me for meet up and it's literally happening right now.

Iniwan ko muna ang anak ko to see the demon.

Naglalakad pa lang ako papunta sa gazebo, nanginginig na agad ang kamay ko. Malayo pa lang, natanaw ko na siyang nakatayo at pabalik balik ang lakad.

He's wearing black shirt and a cap. Ah, nakalimutan ko. Artista na nga pala ang hayop na 'to. How ironic, right?

Namilog ang mga mata niya nang makita ako.

"F-felisse..."

Sunod sunod ang lunok niya. Ilang beses niya akong pinasadahan ng tingin, lalo na ang wedding ring na suot ko. Inisa inisa niyang tignan ang suot ko at mukhang hindi makapaniwalang... ganito kamahal ang mga sinusuot ko ngayon.

Ngumisi ako. "Done checking me?"

Lumunok ulit siya at hindi na halos makatingin sakin.

"Y-yung event..." Panimula niya na hindi niya na nagawang sundan dahil mukhang hindi niya alam ang susunod na sasabihin.

"Ang event na 'yon ay ginawa ko talaga para sayo. Isipin mo 'yon? Ang demonyong katulad mo... ginastusan ko?" Mahina akong tumawa kahit na nanginginig ang tuhod ko sa hindi ko malamang dahilan.

"P-paanong... naging mayaman ka, Felisse? P-paanong naging kayo ni Logan Rivera--"

"Do I owe you an explanation?" Ngumiwi ako. "Last time I checked, ikaw ang may atraso sakin."

Namutla siya.

"F-felisse..."

Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko dahil sa sobrang pagpipigil tumawa. Pero sa huli, lumabas pa rin ang tawa ko.

"Tignan mo ang sarili mo, takot na takot ka!" Humalakhak ako. "I've been dying to see you almost losing yourself dahil sa takot sakin."

"H-hindi ko sinasadya---" Namilog ang mga mata ko.

"Shut up! You're making excuses now para makalusot sa galit ko dahil alam mong may kaya na 'kong gawin! Alam mong kaya kong gawin ang kahit anong gusto ko sayo kaya ganyan ang reaksyon mo! Samantalang noon... wala kang ibang ginawa kung hindi pag-tawanan ako!"

"P-patawarin mo 'ko---"

"Patawarin?! Tanga na lang ang magpapatawad sa gaya mo, Joven. Nakatatak na sa isip ko ang lahat lahat ng ginawa mo sakin. Mula sa pananakit sakin, sa panggagahasa! Sa putanginang ginawa mo sa--"

Natigilan ako dahil hindi na siya matanaw pa. Umaapaw na marahil ang luha ko. Isipin pa lag ang sunod niyang ginawa, gusto ko na agad iumpog ang lalaking ito hanggang sa madurog ang bungo niya.

"Felisse, parang awa mo na. Patawarin mo 'ko. Pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko noon--"

"Kung talagang pinagsisisihan mo, hindi ka na sana umalis ng bansa at nagtago! Hindi mo sana ginamit ang pera mo para hindi ko makuha ang hustisyang para saming dalawa! Tanginang pagsisisi 'yan!"

Halos bumigay ang boses ko kakasigaw sakanya. Walang tao rito maliban saming dalawa kaya malaya akong sumigaw nang hindi nakakagawa ng skandalo.

Saglit na dumaan ang galit at matapang na emosyon sa mga mata niya. Pinandilatan niya ako.

Bought for a NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon